Coco masyadong maalaga kay KC

Pumasok na ang bagong karakter na si KC Concepcion sa Ikaw Lamang. Sa presscon ng teleserye ay tinanong si Coco Martin kung kumusta na ang pakikipagtrabaho niya sa aktres.

‘‘Na-excite akong makatrabaho si KC. Noong una natakot ako dahil hindi ko po kabisado ang kanyang ugali. Pero kalaunan napakabait pala ni KC at magaan pang katrabaho. Lumalabas siya sa kanyang tent at nakikipagkuwentuhan sa mga staff. Kahit nagkamit ng Best Actress Award ay willing pa siyang matuto at nakikinig sa mga sinasabi sa kanya ng director. At hanga ako sa pagiging down-to-earth niya,” sabi ni Coco.

Sa kabilang banda sinabi naman ni KC na sobrang maalaga ng aktor sa mga katrabaho niya at talagang nakatutok sa mga eksena.

Huwag palampasin ang mga bagong karakter sa Ikaw Lamang gabi-gabi pagkatapos ng Hawak-Kamay sa ABS-CBN.

Tinanong din si Kim Chiu kung ano ang pakiramdam niya ngayong magkatrabaho sila ni KC.

Ayon sa aktres noong una ay kinabahan siya kay KC dahil may acting awards na ito. Pero nagkasama na sila nun sa trabaho at nagba-bonding din sila, naghahang-out sila.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang mga eksena nila ni KC at habang tumatagal ay nawawala na.

‘‘Wala siyang kaere-ere at masarap siyang katrabaho,’’ pahayag ni Kim.

Mula nang umere ito noong Marso ay namayagpag ang Ikaw Lamang dahil sa nakakakilig na istorya nina Samuel at Isabelle.

Show comments