Drama actress nagsolo sa probinsiya para makaniig ang matipunong celebrity

Hindi nga mapigilan ang pagkahumaling ng drama actress na ito sa isang matipunong male celebrity.

Noong malaman nito na magbabakasyon ang male celeb sa malayong probinsya, gumawa raw ito ng paraan para masundan niya ang inaasam roon.

Kesehodang may naka-schedule ngang trabaho ang drama actress, nag-back-out na raw ito sa trabahong iyon at may asikasuhin daw siyang importante out-of-town.

Nagtaka tuloy ang handler ng drama actress dahil ito pa raw ang nangungulit na hanapan siya ng magagawa dahil wala nga siyang regular na trabaho ngayon after matapos sa kanyang teleserye.

Noong mai-book na nga niya si drama actress, bigla naman daw itong umayaw na at may pinuntahan daw itong importante.

Noong usisain ng handler kung saan ang lakad nito at baka puwede siyang sumama, mabilis na sumagot ang drama actress na hindi puwede dahil personal na lakad na iyon. Pero hindi raw nito masagot kung saan ito pupunta talaga.

Sa pagsaliksik ng handler sa kung anong misteryo na naman ang ginagawa ng drama actress, nalaman nito na nag-out of town din ang male celebrity na kinahuhumalingan ng kanyang alaga. Para makasiguro, tinawagan ng handler ang driver ni drama actress para malaman kung ito ba ang magmamaneho sa lakad ng kanyang amo.

Napag-alaman ng handler na hindi raw ito ang magmaneho at gusto raw ni drama actress na siya ang mag-drive dahil gusto raw nitong mapag-isa sa long drive. Nabanggit din ng driver kung saan ang destinasyon ni drama actress.

Dun na napagtagpi-tagpi ng handler ang lahat. Na susundan ni drama actress ang male celebrity para magawa nila ang mga gusto nila na walang nakakaalam.

Suko na ang handler sa kakatihan ni drama actress. Ang worry lang niya ay baka mabuntis ito dahil sa pagkahumaling sa male celebrity. Eh mukhang hindi naman seseryosohin ni male celebrity si drama actress dahil sa pagkakaalam ng handler ay ginagawa lang niyang parausan ang drama actress. Ayaw pa kasing magpa-dyug ng girlfriend nitong matimtimang birhen.

JC wala nang kainte-interes kay Maxene

Walang reaction si JC Tiuseco sa balitang nagpa-release na sa GMA 7 ang ex-girlfriend niyang si Maxene Magalona at lilipat na raw ito sa ABS-CBN 2.

Sey nga ni JC na since nag-break sila ni Maxene, may ilang taong nang nakalipas, wala na raw silang communication nito. Pero kapag nagkikita naman daw sila sa anumang event ay civil sila sa isa’t isa.

Hanggang ngayon nga ay love less pa rin si JC. Hindi naman daw siya pihikan sa babae. Hindi pa lang daw dumarating ulit ang babae na para sa kanya.

Show comments