^

Pang Movies

Aminadong nag-feeling sikat at hindi na kaya ang pagiging adik JM dalawang buwan pa ang bubunuin sa rehab

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi lahat ng artista ay kayang aminin na gumamit sila ng droga kaya naman kahit paano ay napahanga kami ni JM de Guzman sa pag-amin niya sa kanyang panayam sa The Buzz 15 aired last Sunday na nalulong siya sa drugs at pumasok sa rehabilititation center.

“Yes, ipinasok po ako sa rehab dahil unmanageable na ako. Gumamit po ako ng droga. Sinubukan ko ang hindi dapat subukan,” pahayag ni JM.

Inamin din niyang lumaki ang ulo niya at naging sakit ng ulo sa set ng seryeng pinagbibidahan niya noon na Angelito, ang Bagong Yugto sa ABS-CBN.

 “Naging iresponsable po ako. Nawala po ‘yung disiplina ko. Lumaki po ang ulo ko. I lost control,” say pa ni JM.

Pero itinanggi niyang ang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola ang dahilan kung bakit siya nalulong sa droga. Aniya ay wala raw kinalaman ang young actress sa kanyang naging bisyo at ito raw ay sariling gawa lang niya. Say pa niya, ito nga raw ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay.

Fifteen months ang rehabilitation ni JM at two months na lang daw ay matatapos na. Nagbabalik siya sa showbiz ngayon at thankful naman siya na binigyan siya ng isa pang pagkakataon ng ABS-CBN dahil binigyan kaagad siya ng episode sa Ipaglaban Mo.

Well, sana nga ay natuto na si JM sa mga pag­ka­kamali niya at siguro naman, alam na niya ngayon na ang lahat ng magagandang bagay ay pwedeng mawala sa isang iglap lang kahit gaano pa siya kahusay.

Carla hindi na alam ang nangyayari kay Geoff

Hangga’t maaari, ayaw nang pag-usapan pa ni Carla Abellana ang ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann. Ilang beses na raw kasi siya nitong pinagalitan.

“I don’t want to talk about him anymore because baka sabihin na naman, ‘O, she’s using him to promote whate­ver projects!’ So, I really don’t wanna talk about him anymore,” say ni Carla.

Kahit nga marami ang nag-i-speculate na parang nagpaparinigan sila sa Instagram dahil sa mga post nila, ayon sa bida ng pelikulang Somebody to Love, ang mga post daw niya ay in general at walang partikular na taong pinatatamaan.

“Meaning, people who create rumors, people who try to bring you down, people who are desperate, people who are very negative, or are just so bitter, you know. Very general,” say pa ng aktres.

Hindi na raw sila nagkakausap ni Geoff matagal na at hindi na rin daw niya ito pina-follow sa social media kaya hindi na raw niya alam ang nangyayari sa buhay nito.

Assistant ni Piolo nag-enjoy sa kanyang puwet

Tawa kami nang tawa kina Piolo Pascual at sa assistant niyang si Moi Bien nang mag-guest sila sa Gandang Gabi Vice aired last Sunday.

Tinanong kasi ni Vice Ganda si Moi kung nakikita raw ba niyang nakahubad si Piolo sa bahay at ayon sa assistant ay oo raw pero wala naman daw malisya.

Kwento ni Moi, minsan daw kasi ay naliligo si Papa P at nagpaabot sa kanya ng towel.

 “So, pinatay lahat ng ilaw kasi syempre, ano ‘yun, eh, ‘yung transparent ‘yung salamin. Sabi ko, sige P, pasok ako. (Sabi niya), “hindi diyan ka lang.” Sabi ko, “hindi, isasabit ko nga ‘yung towel,” kunwari lang,” natatawang kwento ni Moi.

Kaya pagsabit daw niya ng towel, nakita raw niya ang anino at nakita niya raw ang pwet ni Piolo.

Tinanong ni Vice kung maganda ang pwet ni Piolo at say ni Moi, “oo, matigas, ‘pag ginanun (hinawakan) mo.”

Ang lakas ng tawa ni Vice Ganda sa sagot ni Moi.

 “Hanggang ganu’n lang ako, siyempre, nililimitahan ko rin ang sarili ko,” sabi pa ni Moi.

Ha-ha-ha! Karakter talaga itong assistant ni Piolo! No wonder, nagkaroon ito ng sariling career bilang komedyana.

 

 

 

vuukle comment

BAGONG YUGTO

CARLA

CARLA ABELLANA

NIYA

PIOLO

RAW

SABI

SIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with