^

Pang Movies

Juday nagpaluwal ng P1.4 M sa nakulong na kaibigan?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagpainterbyu na pala si Harlene Bautista tungkol sa mga kaso na isinampa niya laban sa direktor na si Dante Nico Garcia.

Ang alam ko kasi, ayaw ni Harlene na mabanggit ang pangalan niya sa mga balita tungkol sa pagkakadakip kay Garcia sa Palawan noong nakaraang linggo.

Napilitan si Harlene na magsalita dahil hin­­di siya nakaiwas sa entertainment press na nakahalubilo niya sa premiere night ng Kamkam.

Iniluwas si Garcia sa Camp Karingal, Quezon City noong Miyerkules pero nakapagpiyan­sa siya ng P1.4 million.

Napagdudahan na si Judy Ann Santos ang tumulong kay Garcia para makalabas ito ng kulungan pero pinabulaanan niya sa isang kaibigan ang balita. Hindi naman basta puwedeng maglabas si Judy Ann ng P1.4 million na walang pahintulot ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo.

Fifteen million pesos at hindi P20-million ang halaga ng  atraso ni Garcia kay Harlene na nasaktan dahil itinuring niya na kaibigan ang direktor. Inaanak pala ni Garcia ang isa sa mga anak ni Harlene at ng mister nito na si Romnick Sarmenta.

Ang sabi ng isang source, lalong nasaktan si Harlene dahil na-feel nito na parang hindi sineseryoso ni Garcia ang kanilang problema kaya nagdemanda ang dating child star.

Tatlo ang kaso na isinampa ni Harlene laban kay Garcia, estafa, qualified theft at falsification of corporate documents.

Tumatanggi si Garcia na magpainterbyu tungkol sa kaso na kinasasangkutan niya pero isang bagay ang malinaw, hindi na babalik ang dating magandang relas­yon nila ni Harlene.

Nainterbyu si Harlene sa premiere night ng Kamkam noong Linggo.

Si Harlene ang producer ng Kam­kam. Siya ang big boss ng Heaven’s Best Entertainment na nag-produce din ng Burgos, ang ka­una-unahang indie movie ni Lorna Tolentino. Ang comedy movie na Raketeros ang unang mainstream movie na pinrodyus ng Heaven’s Best En­tertainment. Comeback movie ni Que­zon City Mayor Herbert Bautista ang Raketeros na ipinalabas sa mga sinehan noong 2013.

Deniece Cornejo biktima ng stress eating, patuloy ang pagtaba

Tumataba na si Deniece Cornejo at base ito sa latest video niya na lumabas.

May duda ako na biktima si Deniece ng stress eating dahil sa kanyang kalagayan. Malamang na idinadaan na lang niya sa pagkain ang kanyang mga problema  habang nakakulong siya sa Camp Crame.

Malabo na makipag-areglo si Vhong Navarro kay Deniece at sa grupo ni Cedric Lee.

Nagsalita kahapon nang  tapos ang legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga na hin­ding-hindi makikipag-ayos ang kanyang kliyente sa mga akusado sa mga kaso ng serious illegal detention at grave physical injuries.

Jodi pinatunayan ang pagmamahal kay Jolo

Botong-boto ako kay Jodi Sta. Maria para kay Jolo Revilla.

Napatunayan ko na talagang mahal nila ang isa’t isa at tunay na supportive girlfriend si Jodi.

Si Jodi ang inspirasyon ni Jolo na medyo pumayat nang huli kaming magkita noong Linggo.

Going strong ang relasyon ng dalawa at kum­binsido ako na hahantong sa kasal ang kanilang pagmamahalan. Isa ako sa mga magiging masaya kapag naging opisyal ang pagiging Mrs. Jolo Revilla ni Jodi.

 

 

vuukle comment

DENIECE CORNEJO

GARCIA

HARLENE

JODI

KAY

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with