Kris nag-public apology sa stress na ibinigay kay Gov. Vi
Humingi na ng public apology si Kris Aquino kay Batangas Governor Vilma Santos last Thursday sa episode ng Aquino & Abunda Tonight.
As we all know, naging isang malaking issue ang wrong spelling and grammar na isinulat ni ate Vi sa card na ibinigay niya kay Kris na ipinost ng Queen of All Media sa kanyang Instagram account.
Dahil dito ay nasisisi tuloy si Kris ng ibang mga tao, lalo na nga ng mga fans ni ate Vi. They are saying na magaling naman sa English ang TV host at alam niyang mali, bakit pa ipinost?
Ayon sa paliwanag ni Kris sa A&A, she didn’t mean harm by posting the card.
“Ako, I take offense doon sa nagsasabi na I meant her harm by posting that. I didn’t.
“You know, I’m a fan, you know I’m a Vilmanian. It did not bother me. Ako po ‘yung recipient ng card. Kung ako, noong binabasa ko, hindi ko tsinek, hindi ako nagpaka-English teacher doon sa card na ‘yon.
“What touched me was the honesty, the sincerity, the genuine kindness that she showed me. Ang mali ko doon, I also forgot that I do have one million followers on Instagram.
“Now I realize also na, my good intentions of showing my appreciation to her can be taken the wrong way,” pahayag ni Kris.
“I love you, Ate Vi. I apologize, Ate Vi, doon sa stress na ibinigay nito sa ‘yo. Pero sinabi ko nga, you’re too blessed to be stressed.
“And uulitin ko ngayon, sana sa 2016, bibigyan mo ako ng oportunidad na maboto kita dahil sana national office na talaga’ng itatakbo mo,” pagtatapos ni Kris.
OST ng Sana Bukas Pa... si Angeline lang ang kumanta
Malaking karangalan para sa Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto ang pagkakabuo ng official soundtrack ng top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon dahil siya ang kauna-unahang Filipino singer na umawit ng lahat ng kanta sa isang teleserye album.
“Lahat po ng kanta sa soundtrack ay magkakabit-kabit at may kaugnayan sa buhay ng lahat ng karakter sa serye,” pahayag ni Angeline na gumaganap sa kwento bilang si Angie, ang singer ng bar kung saan nag-date ang mga karakter nina Bea Alonzo at Paulo Avelino.
Tampok sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon Official Soundtrack ang theme songs ng kwento nina Rose at Emmanuelle (parehong ginagampanan ni Bea) sa kanilang paglaban para sa pamilya, pag-ibig, at sa paghahanap ng hustisya.
Bahagi ng track list ang mga kantang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, Gusto Kita, Why Can’t It Be, Umiiyak Ang Puso, at Someday. Kasama rin ang Wherever You Are, Hindi Ko Kaya, Muli, at Forever na kinanta ni Angeline kasama si Erik Santos.
- Latest