^

Pang Movies

Elevator nanay nakatakdang magbago ang kapalaran

Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniligtas ni Jane Oineza ang kanyang sarili mula sa pagiging nominated para ma-evict ngayong linggo matapos niyang mapagtagumpayan ang Instasave  task. Naging emosyonal ang kanyang pagkakapanalo dahil nagawa niya ito nang mag-isa laban sa ibang mga nominado na tinulungan ng kanilang kapwa housemates.

Talo naman at nananatiling nominado sina Daniel, Fifth, Loisa, Joshua, at Nichole. Isa sa kanila ang mapapalabas ng Bahay ni Kuya ngayong linggo.

Bago pa man ang challenge,  napaluha na si Jane matapos magpasiya ang safe housemates na sina Manolo, Fourth, Cheridel, Maris, at Vickie na tulungan at makipag-partner sa nasabing challenge sina Nichole, Fifth, Loisa, Daniel, at Joshua.

Naging maingay rin ang pangalan ni Jane ngayong linggo dahil sa kanilang paghaharap ng kanyang kaibigang si Kathryn Bernardo nang bumisita ito sa PBB house. Humingi ng tawad si Jane kay Kathryn hinggil sa kanyang sinabing “no comment” nang tanungin ukol sa umano’y pagpaparetoke ng Teen Queen.

Hindi lang buhay ng isang housemate ang magbabago sa kanyang pag-alis ngayong linggo, dahil magbabago rin ang buhay ng  elevator nanay na si Cheridel sa hamon na ibibigay sa kanya ni Kuya. Ano kaya ito? Paano nito maapektuhan ang kanyang pananatili sa Bahay ni Kuya kahit na hindi siya isang opisyal na housemate?

Sino-sino naman kaya kina Daniel, Fifth, Loisa, Joshua, at Nichole ang matitira at sino ang matutumba?

Para i-save ang iyong paboritong housemate, i-text lang ang PBB <name of housemate> at i-send ito sa 2331 para sa Globe, TM, Sun Cellular, at ABS-CBNmobile subscribers, at sa 231 para sa Smart at Talk ‘N Text subscribers. Nagkakahalaga ng P2.50 ang bawat botong ipapadala para sa Globe, TM, Smart, at Talk ‘N Text, P2 sa Sun Cellular, at P1 naman para sa ABS-CBNmobile.

vuukle comment

ANO

CHERIDEL

JANE OINEZA

KATHRYN BERNARDO

KUYA

LOISA

N TEXT

NICHOLE

SUN CELLULAR

TEEN QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with