Tumalo kina Nora at Vilma, bida sa pelikulang nanalo sa Cannes

Do you know that Angeli Bayani, winner of this year’s Gawad Urian’s best actress trophy, para sa kanyang pelikulang Norte: Hangganan Ng Kasaysa­yan, was the Filipino actress tapped by the Singaporean producer of Ilo-Ilo.

The film, which was about the Filipina yaya ng nabanggit na Singaporean producer, was winner of the Cannes Camera D’Or.

The same producer directed the film.

A theater actress before she did indie films, Angeli’s victory in the 37th Gawad Urian is, no doubt, meaningful dahil ang mga naging kalaban niya sa same award were Nora Aunor, for Ang Kwento ni Mabuti, and Vilma Santos, for Ekstra.

Love triangle ng mga bagets sa loob ng PBB house dapat maresolba

Hindi talaga maiwasang walang mangyaring ligawan among the housemates ni Kuya, tuwing nagkakaroon ng Pinoy Big Brother (PBB).

Tulad na lamang noong naging magkasamang boarders ni Kuya sina Bianca Gonzales at Zanjoe Marudo.

Naging dahilan tuloy ito na kasabay nang paglabas ni Bianca from Kuya’s house came the report na break na sila ng boyfriend na si Direk Lino Cayetano.

This is now of course, all water under the bridge. Kumbaga, Direk Lino, now a Congressman of Taguig City, is married to former Ateneo Volleyball player, Fille Cainglet, with whom may isa na siyang anak.

Bianca is set to marry her boyfriend, JC Intal, in December. And Zanjoe naman, ay maligaya sa piling ni Bea Alonzo.

Nagsimula rin ang lahat, wika nga, kina Kim Chiu at Gerald Anderson, while the two were competing for the title - PBB Teen, kung saan si Kim ang nanalo.

In fairness to the two, nasa labas na sila ng bahay nang maka-inlaban.

Hiwalay na ang dalawa. While inili-link si Kim kay Xian Lim, which they both deny na may ligawang namagitan sa kanila habang si Gerald naman ay boyfriend ni Maja Salvador.

Magtu-two years na raw silang mag-on ni Gerald, pagtatapat ni Maja, at the presscon of her upcoming concert, Maj: The Legal Performer, at the Music Museum on July 16.

In the case of Melai Canteveros at Jason Francisco, nagsimula sa tuksuhan sa loob ng Bahay Ni Kuya ang pag-iibigan nila na nauwi sa kasalan.

They are now parents to a baby girl.

The couple is now back in Manila and are eager to resume their showbiz career.

For a while kasi, they stayed in GenSan, home place ni Melai habang hinihintay nila na iluwal ang kanilang first baby.

Right now, there’s a love triangle na maituturing, na kasalukuyang nangyayari sa loob ng Bahay Ni Kuya of the ongoing Pinoy Big Brother All In.

The three housemates ni Kuya involved are all teenagers: Loisa Andalio, taga-Parañaque, aged 15; Joshua Garcia, from Batangas naman, 16, at Jane Oineza who is familiar to all of us dahil nag-aartista nga siya, who is 17 years old naman.

From the start, nang pumasok lahat ng housemates ni Kuya sa kanyang bahay, naging close na sina Loisa at Joshua sa isa’t isa.

Until, wika nga, pumasok si Jane sa eksena, na kaagad ay na-attract si Joshua.

Palibhasa malambing at showbiz-oriented pa nga siya, showy si Jane sa kung anumang nararamdaman niya kay Joshua na naging sanhi ng selos from Loisa.

Wala sanang dapat ikaalarma sa mga pangyayaring ito, kung hindi lang obvious na nagkakaroon na ng kampihan among the housemates. Natural na mas maraming nakikipag-symphatize kay Loisa, dahil siya nga naman ang lumalabas na loser.

Most everyone ay halatang up in arms against Jane kahit pa nag-i-explain siyang kaibigan lang ang turing niya at kay Joshua, na hindi rin alam kung ano ang gagawin.

Naku, Kuya, i-resolve mo itong problemang nagaganap sa loob ng iyong bahay, bago, wika nga, things get out of hand. Alalahanin mong they are all underage.

Show comments