Vilma at Nora, tinalo ng hindi kilalang aktres
MANILA, Philippines - Naghari na naman ang indie films sa ginanap na awards night ng 37th Gawad Urian na live na napanood sa Cinema One noong Martes ng gabi. Ginanap ang awards night sa Dolphy Theater. Magkakaroon ito ng replay telecasts sa June 21 and June 26 at 7:00 p.m. and on June 29 at 2:00 p.m. sa Cinema One.
Walang kahit isang nanalo na galing sa mainstream film na ipinalabas noong nakaraang taon.
Waging-wagi ang obra ni Direk Lav Diaz na Norte Hangganan ng Kasaysayan, isang pelikula tungkol sa isang lalaking napagbintangang killer habang ang totoong salarin ay nasa laya. Ang killer ay frustrated sa mga nangyayari sa paligid habang ang nakulong ay mas na-enjoy ang kulungan nang may kakaibang nangyari sa loob.Hanggang sa abroad ay pinupuri na ang pelikulang ito na mahigit apat na oras ang running time.
Dineklara itong pinakamahusay na pelikula ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Nanalo namang best actress si Angeli Bayani na isa sa mga bida ng pelikula. Tinalo niya sina Gov. Vilma Santos and superstar Nora Aunor.
Narito ang iba pang nagwagi:
Pinakamahusay na Panguhahing Aktor: Joel Torre (On the Job)
Pinakamahusay na Direksyon: Hannah Espia (Transit)
Pinakamahusay na Dulang Pampelikula: Lav Diaz at Rody Vera (Norte, Hangganan ng Kasaysayan)
Pinakamahusay na Sinematograpiya: Lauro Rene Manda
(Norte, Hangganan ng Kasaysayan)
Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon: Adolfo Alix, Jr. (Porno)
Pinakamahusay na Musika: Emerson Texon (Sonata)
Pinakamahusay na Editing: Chuck Gutierrez
(Riddles of My Homecoming)
Pinakamahusay na Tunog: Corinne de San Jose (On the Job)
Pinakamahusay na Dokumentaryo: Nanay Mameng
Pinakamahusay na Maikling Pelikula: Missing
Pinakamahusay na Pangalawang Aktor:
Junjun Quintana (A Philippino Story)
Pinakamahusay na Pangalawang Aktres:
Angel Aquino (Ang Huling Chacha ni Anita)
May special tribute naman ang nasirang director na si Gerardo “Gerry†de Leon.
- Latest