^

Pang Movies

Carla nahirapang umakting mag-isa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Na-challenge si Carla Abellana sa first sitcom niya, ang Ismol Fa­mily sa GMA 7. First time niyang nagti-taping na solo, camera lamang ang kausap niya.    

Sa story kasi, strong-willed na si Majay si Carla, pinili niyang pumunta sa Dubai at magtrabaho bilang isang welder doon para mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya, ang  asawang si Jingo (Ryan Agoncillo) na may-ari ng isang bike shop at ang anak nilang si PJ (Marc Justine Alvarez). Kaya napapanood lamang siya sa sitcom kapag kausap siya ng asawa at anak sa pamamagitan ng Skype.

“Kaya challenge po sa akin dahil may sarili akong set at kaharap ko lamang ay camera, mahirap pala iyon dahil wala kang kabatuhan ng dialogue.”

Mukhang naka-move on na si Carla sa break-up nila ni Geoff Eigenmann at wala sa kanya kung hindi man siya binati man lamang ng ex-bf noong birthday niya last June 12. 

Masayang-masaya at very blessed raw kasi siya dahil su­nud-sunod ang kanyang mga pro­jects. Bukod sa mga new TV commercials, dalawa ang gi­na­gawa niyang TV shows, ito ngang Ismol Family (na airing na sa Sunday, June 22 after ng 24 Oras Weekend) at ang My Destiny (pilot episode na sa June 30 after ng Nino, na magbabalik sa tambalan nila ni Tom Rodriguez after ng My Husband’s Lover at ng movie nilang So It’s You. Makakasama niya sina Lorna Tolentino, Rhian Ramos, Kuh Ledesma, Dennis Roldan at muling ididirek ni Dominic Zapata, na siya rin nilang director sa Ismol Family.

May isa pa siyang ginagawang movie sa Regal Entertainment, ang Somebody to Love with Iza Calzado, Jason Abalos and Matteo Guidicelli, sa direksyon ni Joey Reyes. Sinabihan na rin daw siya ng Regal Entertainment na gagawin naman nila ni Dennis Trillo ang Shake, Rattle & Roll under Jerrold Tarog for the coming Metro Manila Film Festival. Kaya sa sobrang busy, wala na raw siyang time para mag-emote pa.

 

Dennis hindi pala pinili si Kris

Itinuwid ni Ms. Lilybeth G. Rasonable, GMA’s Senior Vice President for Entertainment TV, ang nasulat na si Kris Bernal daw ang pinili ni Dennis Trillo over Kylie Padilla para maging leading lady niya sa bagong soap na gagawin nito sa GMA 7, ang Hiram na Alaala (hindi na Stolen Memories). Nakakahiya raw kay Dennis na iyon ang lumabas na balita dahil hindi naman totoo. 

Si Kris daw talaga ang pinili ng production na makatambal ni Dennis. Kasalukuyan pa raw lamang nilang binubuo ang cast ng soap at kung sino ang magdidirek. Nag-sorry siya na dahil sunud-sunod ang mga bago nilang project, ayaw muna niyang mag-comment at baka raw magkamali siya sa sasabihin niya. Basta ang sure, si Kris Bernal talaga ang bagong leading lady ni Dennis at mapapanood ito sa primetime block ng GMA 7.

As to Kylie, meron na rin silang inihahandang bagong soap para sa aktres.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

ISMOL FAMILY

KAYA

KRIS BERNAL

REGAL ENTERTAINMENT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with