Bossing Vic sasagutin ang mga tanong ninyo sa pagluluto

MANILA, Philippines - Noong nakaraang Mayo 27, inilunsad ng GMA Network at Monde Nissin Corporation ang pinakabagong cooking show na magbibigay solusyon sa iba’t ibang problema sa kusina sa programang Dear Bossing.

Tampok sa 5-minute cooking show na ito ang well-loved comedian, TV host at celebrity dad na si Vic Sotto bilang host ng programa. Bibigyang kalutasan ng Dear Bossing ang mga problema sa pagluluto ng mga mommies at manonood gamit ang Lucky Me! NamNam Tomato.

Kasama ni Vic sa Dear Bossing ang seasoned actress at mom of three boys na si Manilyn Reynes at former Malacañang Palace Executive Chef Aurora Babes Austria. Si Chef Babes ang naging pinakaunang woman executive chef sa bansa noong 2005.

Sa loob ng kanyang state-of-the-art, at technologically advanced headquarters, sasagutin lahat ni Bossing Vic kasama ng kanyang kitchen angels na sina Manilyn at Chef Babes ang lahat ng katanungan ng mga manonood at letter senders sa paghahanda at pagluluto ng masarap at budget-friendly tomato dishes para sa buong pamilya gamit ang NamNam Tomato.

Ang pinakabagong Lucky Me! Namnam Tomato ay may perfect blend ng karne, buto, at spices na tiyak na mas magpapasarap at magdadagdag ng linamnam sa mga pagkain na may lasa ng real tomatoes. Lahat ng flavours Lucky Me! Namnam Tomato ay nakapaloob sa isang sachet na mas madaling gamitin ng mga mommies sa kanilang mga lutuin.

Hinihikayat ang lahat ng mga mommies at manonood na may katanungan at problema sa kusina na ipadala ang kanilang mga sulat kasama ang kanilang pangalan, address at contact details sa www.gmanetwork.com/dearbossing o i-submit ito sa drop boxes na makikita sa GMA Network Center. 

Mapapanood ang Dear Bossing tuwing Martes at Huwebes bago mag-The Ryzza Mae Show sa GMA.

 

Show comments