MANILA, Philippines - Panibagong pag-asa ang sumalubong sa mahigit 4,000 mag-aaral ng anim na paaralan sa Leyte, na sinalanta ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre, matapos silang pagkalooban ng Failon Ngayon ng kumpleto at bagong mga gamit pang-eskwela kasabay ng unang araw ng pagbabalik-klase noong Lunes.
Bakas ang malalaking ngiti sa mukha ng mga mag-aaral ng San Fernando Elementary School, Dagami North Central School, Tanauan II Central School, San Roque Elementary School, San Joaquin Elem School, at Cansibuy Elementary School nang tanggapin nila ang bago nilang mga uniporme, sapatos, bag na may kasama nang school supplies, at iba pa.
Magagamit na rin ng mga mag-aaral ng San Fernando Central Elementary School ang apat na silid-aralan na ipinatayo ng Failon Ngayon doon noong Enero ka-partner ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN, DZMM, at United Architects of the Philippines-Cavite chapter.
Singer na si Banig magpaparamdam kay Jessica Soho
Kamustahin ang dating singing sensation na si Banig, silipin ang kuwento ng mga “tunay†na Dalawang Mrs. Real, at tunghayan ang naging kapalaran ng sanggol na si Baby Ekham sa back-to-back episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho at Imbestigador ngayong Linggo sa GMA 7.
Bago pa nakilala sa international music scene sina Charice at iba pang mga Pilipinong mang-aawit na tinampok sa Ellen, nauna nang gumawa ng pangalan sa Amerika noong dekada 80 si Josephine “Banig†Roberto. Kukumustahin ng KMJS ang Pinoy singing champion.
Samantala, sentro ng soap operang Ang Dalawang Mrs. Real ang pagpapakasal ng lalake sa dalawang babae. Ngayong Linggo, magsasalita na ang mga misis na may kasalo sa atensyon at pagmamahal ng kanilang pinakasalan.
Sa pelikulang Maleficient naman, hindi lang ang pouting lips ni Angelina Jolie ang agaw eksena, pati na rin ang kanyang prominenteng cheekbone nang ginampanan niyang karakter. Pano kaya ito ma-a-achieve? At anu-ano nga ba ang mga makabagong pamamaraan ngayon para sa mga gustong magparetoke ng kanilang pisngi?
Pagkatapos ng KMJS, tunghayan ang kuwento ni Baby Ekham sa Imbestigador kasama ang batikang mamamahayag na si Mike Enriquez.
Inihabilin ng inang si Daisire ang kanyang 2-taong gulang na anak na si Ekham sa kanyang kapatid na si Donna para mamalengke. Pero hindi paman siya nakakalayo, nakatanggap na siya ng tawag na nagsasabi na nawawala ang kanyang anak.
Halos buong araw na hinanap nina Daisire si Baby Ekham bago siya nakatanggap ng text mula sa ‘di kilalang numero na dinukot ang bata at hindi daw ibabalik ang bata kapag hindi nagbigay ng kalahating milyon na ransom. Naibigay ang ransom na bumaba sa limampung libong piso at naibalik naman ang bata pero wala na itong buhay.
Sa ginawang operasyon ng mga otoridad, naÂdakip ang taong kumuha ng ransom na katiwala sa apartment na tinutuluyan nina Daisire. Ibinunyag ng suspek na ang mastermind sa krimen ay si Donna, ang nakatatandang kapatid ni Daisire.