^

Pang Movies

Lovi, ini-enjoy ang pagka-in love kay Rocco

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Biniro si Lovi Poe na siya ang dahilan kung bakit biglang tumaba si Rocco Nacino.

Sa mga nakakita nga kay Rocco, ang laki nang tinaba nito. Bunga raw iyon nang pag-travel nila ni Lovi nitong nakaraang summer sa Europe kung saan bumisita sila sa apat na countries.

Natawa lang si Lovi at sinabing napasarap lang daw ang bakasyon ni Rocco kaya raw busy na ito ngayon sa pagwu-workout para maibalik ang dati nitong katawan.

Mukhang maganda ang epekto kay Lovi nang kanyang relasyon with Rocco dahil kitang-kita na sobrang masaya ito ngayon. Marami ang nagsasabi na blooming si Lovi dahil kay Rocco.

 â€œMasarap lang ang may ganitong feeling – ‘yung lahat nasa tamang lugar.

“Everything is doing great. I have a new drama series, I have this great inspiration. What more can I ask for?” ngiti pa ni Lovi.

Sa teleserye na Ang Dalawang Mrs. Real, inamin ni Lovi na medyo kinabahan siya sa mga intimate scenes nila ng kanyang leading man na si Dingdong Dantes.

Baguhang aktor game magpa-sexy

Anak ng veteran sports columnist and sports news anchor ng ANC na si Bill Velasco ang baguhang hunk ng GMA 7 na si Vince Velasco.

Nakilala sa TV commercial na Sky Broadband si Vince at nagtuluy-tuloy na itong mag-artista. Breakout role nga niya ang role na Mike sa My Husband’s Lover kung saan gumanap siya bilang isang bading.

Hindi natatakot si Vince na ma-typecast sa mga gay roles dahil doon siya unang nakilala ng marami.

Wala rin problema sa kanyang parents ang pagpasok niya sa showbiz. Noong bata pa lang daw siya ay kinukuha na siyang artista noon ng ABS-CBN 2.

Okey lang daw kay Vince na magpa-sexy siya basta approved daw ng kanyang management. Anytime naman daw ay ready siya dahil alaga niya ang kanyang katawan.

Mga ampon ni Nicole Kidman kanya-kanyang kayod na

Matagal nang hindi nakakasama ni Nicole Kidman ang adopted kids nila ni Tom Cruise na sina Connor at Isabella Cruise. Pero kahit daw hindi sila madalas magkita, hindi nababawasan ang pagmamahal ni Nicole sa kanila bilang ina.

Sa isang interview ni Nicole sa Women’s Weekly, sinabi ng 46-year old star na pinakaimportante sa kanya ay ang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak. Kasama na roon ang anak niya sa mister niyang si Keith Urban na sina Sunday at Faith.

“The joy I get from us as a family outweighs any joy in any other area of my life, by far.”

Noong mag-divorce sina Nicole at Tom noong 2001, tumira sila Connor at Isabella sa kanilang ama. Pero proud si Nicole dahil naging maayos ang paglaki nila at very responsible adults na raw ang mga ito.

Si Connor ay 19-years old na at isang kilalang DJ sa mga malalaking clubs, samantalang si Isabella ay isang 21-year old aspiring artist.

 â€œThey have both chosen to pursue creative and artistic fields and are doing brilliantly. They are generous, kind, and hardworking. And these are traits that I love to see in my children.”

Inampon nila Tom at Nicole sila Connor at Isabella noong magkaroon ng fertility issue ang aktres.

 â€œAll of my children are highlights of my life. I remember when we adopted Bella, her looking at me for the very first time. That is extremely powerful, like a kind of birth, too. They are my biggest joys,” sey ni Nicole.

Na-interview din ng naturang magazine sila Isabelle at Connor at ito ang mga nasabi nila tungkol sa kanilang adoptive mom na si Nicole...

“I love mom. She’s my mom. She’s great. I see her sometimes and I speak to her,” sey ni Isabella.

Pahayag naman ni Connor: “I love my mum. I don’t care what people say. I know that me and mum are solid. I love her a lot. My family means everything. Yeah, I love my music, but the family comes before everything else.”

vuukle comment

BILL VELASCO

CONNOR

DINGDONG DANTES

LOVI

NICOLE

NICOLE KIDMAN

ROCCO

VINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with