^

Pang Movies

Anak nina Vic at Coney, kakandidato sa QC

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natawa na lang si Coney Reyes nang sabihin sa kanya ng press na kamukha niya si Pauleen Luna na girlfriend ng dating partner na si Vic Sotto. Nasa bakuran siya ngayon ng GMA dahil sa drama series na Ang Dalawang Mrs. Real (ADMR) kung saan nagbabalik siya sa Kapuso Network after forty years.

“Medyo nag-flashback ako sa mga bagay-bagay pagbalik ko rito. Kasi talaga namang Student Canteen (SC) ako nagsimula. ‘Yun ang first na regular show tapos daily pa,” pahayag ni Coney sa press launch ng kinabibilangang programa.

Nasundan ang SC ng drama niyang Coney Re­yes-Mumar Drama Studio and then, sa Eat Bu­laga ang ginawa niya. Nalipat siya sa ABS-CBN nang siya na maging producer ng weekly drama niyang Coney Reyes on Camera.

Ngayon sa GMA ang ADMR lang ang kontrata niya. Nagsabi naman siya sa ABS-CBN sa gagawin niyang project, bilang respeto dahil wala naman siyang kontrata roon.

“They’ve been good to me also. Timing lang ni Lord ito. Kasi hindi ko naman inisip. Kasi it came at the right time. But I still look forward working with ABS-CBN in the future. Saka at my age ‘di ba? Hindi na tayo bagets para sa ganyan, ganyan!” katwiran ng award-winning actress.

“Basta I just want to work. Wala naman akong asawa. Mga anak ko, old na. Ano ang gagawin ko? Tutunganga?” dagdag pa niya.

Ang anak naman niya kay Vic na si Vico ay nagtatrabaho na. Huminto raw ito sa kursong abugasya.

 â€œHe’s working now with the Quezon City government. Parang his heart is with the poor eh,” chika pa ni Coney.

Ano’ng work niya?

 â€œTanungin mo ang papa niya! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Coney. “Parang chief of staff siya ng…” bitin na sagot ng aktres.

Totoo ba na papasok sa politics?

“Wala pa naman siyang sinasabing ganoon. Siguro parang nakikita ng papa niya na may inclination siya. He’s really…He goes to barangay. People person siya. Pero tahimik lang siya. Pareho rin ng papa niya pero maano,” sey niya.

Eh sa promo ng Mrs. Real, igi-guest ba siya sa Eat Bulaga?

“Bakit ba ganyan kayo sa akin? Ha! ha! Ha! Alam ninyo ba, twenty years mahigit na! Friends kami! Palagi siyang nasa bahay… Hindi naman pala­gi. Most of the time he’s there. Weekly. Nagdi-dinner siya roon. Nor for me but for my son! Klaro lang natin. Not me! Sobrang…ano ba?” diin ni Coney.

Kamukha raw niya kasi si Pauleen?

 â€œHayan ka! Ha! Ha! Ha! Ano ba?” tugon ni Coney pero hindi pa raw nami-meet si Pauleen. “Huwag ninyo na akong isali riyan!” pakiusap pa ni Coney.

Sa June 2 ang telecast ng Ang Dalawang Mrs. Real mula sa direksyon ni Andoy Ranay.

Marian hindi natakot makipagtsikahan sa may bulutong

Nagkasama sina Marian Rivera at Paolo Balleste­ros sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at sa Dyesebel kaya naman gusto rin siyang maging co-host ng aktres sa dance musical nilang Marian na magsisimula next month.

Ninang din kasi ng nag-iisang anak na babae ni Pao (Paolo) si Yan Yan (Marian) at kabatuhan pa ng kalokohan sa Juan For All! All For Juan! ng Eat Bulaga kaya siguradong pasok ang chemistry nila sa programa.

“Hindi ko alam kung choice din ako ni Marian. Baka sa palabunutan lang! Ha! Ha! Ha!” biro ni Paolo nang pasyalan ng press sa shoot ng TV plug.

Ang kaibahan nga lang ng hitsura niya sa show kumpara sa Bulaga, pormal-pormalan ang suot niyang damit sa Marian.

Kumusta si Marin bilang kasama sa Juan For All?

 â€œHayun! Luka-luka rin! Ha! Ha! Ha! Kaya parang walang mabigat. Masaya lang! Wala ring pakialam. Nilapitan nga ‘yung may bulutong eh! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Paolo.

ANO

CONEY

CONEY REYES

EAT BULAGA

JUAN FOR ALL

KASI

MRS. REAL

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with