Mark Anthony tatlo na ang panganay, hiwalay na naman sa huling asawa

Kung naguluhan kami sa biglang pag-appear muli ng cha­rac­ter na Nico ni Mark Anthony Fernandez sa primetime dra­ma series na Rhodora X, medyo naguluhan din kami sa pagkukuwento niya tungkol sa kanyang tunay na relasyon sa asawang si Melissa. Pero ini-explain ni Mark Anthony sa pocket interview, ang back story kung bakit siya muling bumalik sa soap. Hindi raw siya talaga na­matay matapos maaksidente dahil iniligtas siya ng best friend niya, na ginagampanan ngayon ni Martin  del Rosario at itinago siya hanggang sa gumaling na siya.  Muli niyang binalikan si Angela (Yasmien Kurdi) dahil very much in love siya rito at gagawin ang lahat para mapaibig ito.

Inamin ni Mark Anthony na hiwalay sila ni Melissa after isilang nito ang second child ni­la, si Rudolf Benedict last month. Nasa bahay raw nila ito sa Parañaque, nasa Quezon City naman siya.  Panganay nila ni Melissa si Came­ron Gray. At may dalawa pa siyang anak, parehong panganay, sa dati ni­yang girlfriends.  Biro na lamang ng actor, mahirap daw ang maging pogi, pero nga­yon, mas professional na siya pero gusto naman niya ay makagawa ng isang ro­mantic-comedy show dahil masyado na siyang nata-type-cast sa drama at kontra­bi­da roles. Pero gusto ng manager niyang si Dondon Monteverde, magpapayat mu­na siya after ng Rhodora X bago magsimula ng bagong project.

Matatapos na ang Rhodora X sa May 30, pero mamayang gabi, mapapanood na kasunod nito ang bagong romantic-comedy-horror Koreanovela, ang The Master’s Sun.

Marian nag-blowout sa buong staff

Nag-last taping day na noong Wed­nes­day ang Carmela na simula na ng grand final week mamayang gabi, pagkatapos ng Kambal Sirena. Last Friday, Marian Rivera treated the production staff for an overnight swimming sa Camaya Coast sa Mariveles, Bataan. Isinama rin ni Marian ang mama Amelia at lola Francisca niya, tulad sa naipangako niyang out-of-town bonding sa dalawang babaeng mahal na mahal niya, continua­tion ng Mother’s Day celebration nila.

Si Agot Isidro naman ay pahinga muna sa pag­gawa ng soap at hinarap na niya ang rehearsal ng stage play, a romantic drama na Rabbit Hole na ididirek ni Topper Fabregas.  Nasa cast sina Mi­chael Williams, Che Ramos-Cosio, Ross Pesigan and Shiela Francisco.  Venue ng stage play ang Whitespace in Makati City.  Opening night sa August 1 at every weekend na ito mapapanood, sa August 8-10, 15-17, 22-24, 29-31.

 

Show comments