^

Pang Movies

Sikat na mambabatas, one way ang ipinagawang tulay sa kanyang bayan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kanya-kanya nang deny ang mga involved sa PDAF scam na kabilang sa Napolist ni Janet Napoles, na wala silang ginawang pagmamalabis sa kanilang pork barrel at hindi raw nila kilala nang personal ang tinaguriang reyna ng scam. 

Paano kaya i-e-explain ng isang sikat na mambabatas iyong ipinagawa niyang tulay (bridge) sa kanyang nasasakupang probinsiya, na ginastusan daw niya nang kung ilang daang mil­yong piso pero ang nakakaloka, kuwento ng isang tagaroon, one way lamang ang bridge. 

Kaya ipinagtaka raw ng pre­sidente ng time na iyon, nang ma­padaan siya roon, bakit one way lamang ang bridge, saan daw dumadaan ang mga taong dapat gumagamit ng another way ng tulay? 

Agad na iniutos daw ng pre­sidente na gawing two-way ang tulay, pero gastos na ng Philippine government, hindi na ng mambabatas na nakasakop sa lugar na iyon. 

So, saan napunta ang dapat allocated na pera sa tulay?

AiAi willing i-display ang flower sa EDSA

Naging problema pala noong una ni Dr. Vicki Belo ng Belo Medical Group (BMG) kung sino ang papayag sa kanya para ma­ging endorser ng Femilift procedure, na ayon sa doktora will help women out there feel whole, complete, very feminine and sexy again. 

At nagpasalamat siya na hindi tumanggi ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas nang ialok niya na maging endorser nito.

Bago ginanap ang presscon proper, nag-sign ng contract si AiAi para raw malaman na she’s back with the Belo Medical Group. Ikinuwento na rin ni Dr. Vicki na isinagawa na niya ang first session ng procedure kay AiAi last Monday before the launch. 

Napatunayan daw ng doktora na kahit nagkaroon na ng tatlong anak si AiAi, maganda pa rin ang ‘flower’ nito.  Pero ang Femilift procedure ay kailangan nang at least three sessions. Each session will cost thirty five thousand pesos. 

Ipinaalala rin ni Dr. Vicki na after the procedure, hindi sila pwedeng makipag-sex ng three days. Iyon daw namang nanganak na through cesarean section ay hindi na dapat magpa-Femilift.  

Kung okey naman pala ang kanyang ‘flower,’ bakit kailangan pa ni AiAi na gumamit ng procedure? Para raw kung dumating ang time na ‘yung lalaking darating sa kanya, halimbawa ay bata pa ang magiging next boyfriend niya, maging happy naman ito sa kanya.  Inamin niyang usually daw ang nagiging boyfriend niya ay mas bata sa kanya. 

Inirekomenda rin ni AiAi ang Femilift procedure sa mga nanay na nanganak na para raw maging happy ang mga mister nila o kahit ang boyfriend nila para hindi ito magloko. 

Makakadagdag daw ng confidence sa babae ang motto niya na “Tight is right.” 

Nagkatawanan sa presscon nang tanungin si AiAi kung recorded ba ang paggawa sa kanya ng Femilift procedure?     “Puwede rin, basta ba gawan ng billboard sa EDSA at C5.”

Napapanood gabi-gabi si AiAi sa fantaseryeng Dyesebel ni Anne Curtis sa ABS-CBN. Wala pang sinabi si AiAi kung mayroon na siyang next movie sa Star Cinema for the coming Metro Manila Film Festival sa December.

 

AIAI

ANNE CURTIS

BELO MEDICAL GROUP

COMEDY QUEEN

DAW

DR. VICKI

DR. VICKI BELO

FEMILIFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with