Jake sa Indonesia ‘napulot’ ang GF

MANILA, Philippines - Hindi taga-showbiz ang current girlfriend ni Jake Cuenca. Si Chanel Olive Thomas ay taga-Queensland, Australia na nakilala ni Jake sa Indonesia nang minsang nagbakasyon siya roon.  Ngayon ay nasa Instragram ang mga sweet photos nila. Halos naging girlfriend ni Jake ang mga leading ladies niya (maliban kay Eugene Domingo, ha) pero mukhang tinamaan siya sa foreigner lass na ito.

‘Yan, pakipot kasi ang kaparaha ni Jake sa isang katatapos na teleserye, si Jessie Mendiola, hayun nabaling sa iba ang puso ng actor.

Sarah kilig na kilig kay Coco

Namumuo ang relasyong Sarah Geromino at Coco Martin dahil sweet sila sa isa’t isa sa bago nilang pelikula, Maybe This Time.

Medyo kilig pa si Sarah habang nagkukuwento tungkol kay Coco.  “ Ibang klase ang smile niya.  Siya lang ang may smile na ganun.  Nakakaintriga ang humility niya,” pahayag ni Sarah.

Sa teaser ng Maybe This Time sa mga sinehan, damang-dama ng mga manonood ang eksena nina Sarah at Coco, na halos idikit na ni Sarah ang kanyang labi habang si Coco naman ay akmang pinasasabik ang mga fans.

 

 

Show comments