Mother Lily dream boy si Derek

Sanay na ako kay Mother Lily Monteverde na kinikilig sa mga artista na pinapipirma niya ng kontrata sa Regal Films.

Basically, fan si Mother kaya aliw na aliw siya sa mga artista. Nag-produce si Mother ng mga pelikula dahil likas na movie fan siya.

Natawa ako nang malaman ko na nag-dialogue si Mother na dream boy niya si Derek Ramsay.

Bakit hindi ako matatawa eh ganoon din ang sinabi ni Mother nang ipa-presscon niya noon sina Senator Sonny Trillanes at Senator Gringo Honasan. Consistent si Mother ha?

Ex ni Bistek malakas sa QC, mananalo pag kumandidato

Darling of the press pala si Tates Gana dahil love na love siya ng showbiz press.

Ang sabi ng mga reporter, matulungin at mada­ling lapitan si Tates.

Marami raw natulungan at natutulungan si Tates na mga ordinaryong tao.

Kapag kumandidato raw si Tates na konsehala ng QC, tiyak na win siya dahil sa kanyang popularidad sa masa.

Matutuwa si Tates kapag nalaman nito na marami sa showbiz press ang kampi at nakikisimpatiya sa kanya.

Nag-uunahan ang staff ng mga TV show sa paghahanap kay Tates.

Type nila na i-out scoop ang isa’t isa. Si Tates ang woman of the hour kaya dream ng mga reporter na sila ang unang makainterbyu sa kanya.

‘Yun nga lang, mailap si Tates. Hindi siya nagsasalita o nagpapaunlak sa mga request na interbyu.

Hindi naman siya pine-pressure ng mga kaibigan niya na reporter. Iginagalang nila ang pasya ni Tates na manahimik at magkaroon ng kapayapaan.

Hindi lamang si Tates ang hinahagilap ng mga reporter.

Hinahanap din ng press ang mga anak ni Herbert para sa reaksyon nila sa pakikipagrelasyon kay Kris Aquino ng kanilang fadir.

Teenager na ang panga­nay na anak nina Herbert at Tates. Ang balita ko, mahal na mahal ni Herbert ang mga anak niya kay Tates.

Kris hindi nakakatiis sa relasyon nila ni Bistek

Pinag-uusapan sa lahat ng sulok ang relasyon nina Kris at Herbert.

Pati ang mga tao na hindi ko kilala, inuusisa ako. Isa lang ang sagot ko, panoorin nila ang mga TV show ni Kris dahil tiyak na hindi niya mapipigilan ang sarili. Imposible na hindi siya magkukuwento tungkol sa love affair nila ni Herbert. Si Kris pa?

 

Show comments