‘Kahit tanungin nyo pa si Sam’ pagsita kay Sam itinanggi ni Anne

Nag-issue kaagad ng statement si Anne Curtis matapos lumabas sa PEP last Tuesday ang ba­litang sinita niya si Sam Concepcion nang maki­ta niya ito sa birthday party ni Vice Ganda.

Ayon sa article na lumabas sa PEP, sinabihan daw ni Anne si Sam ng “Why are you here? Who invited you here? You are not classy enough to be here.” Naganap daw ito sa birthday party ni Vice Ganda noong March 31 at, ayon pa sa source ng PEP, nakainom daw ang aktres.

That day also, naging maagap naman si Anne sa paglilinaw ng balita. Ayon sa kanyang post sa Instagram account, hindi raw totoong sinabihan niya si Sam tulad ng naisulat.

“Of course I spoke to Sam that night and, as always, I told him to take care of my baby sister. Like any ate would do BUT to clarify I DID NOT say any of those words written in the article.

“Kahit tanungin nyo pa si Sam. Even he doesn’t know where those words came from. Basta. Ang mahalaga Sam and I are ok. End of story, no issue here,” ang post ni Dyesebel sa Instagram.

Marami naman ang nagpakita ng suporta sa kanyang post at nagkomentong naniniwala sila kay Anne at meron din namang nagkomento ng panghuhusga sa aktres.

James tinitilian nang husto sa lakas ng dating sa Panget...

Panalo sa kakyutan ang pelikulang Diary ng Panget na pinagbibidahan ng apat na fresh faces ng Viva Entertainment na sina Nadine Lustre, Yassi Pressman, Andre Paras, and James Reid.

Sa premiere night ng movie na ginanap sa SM Megamall sa Mandaluyong City last Tuesday, kung pagbabasehan ang mga nakaka­binging sigawan at tilian ng fans, mukhang may bago na namang goldmine ang Viva sa katauhan ng apat na ito.

Sobrang lakas ng tambalang James at Nadine na kung tawagin ng fans ay JaDine. Ang lakas ng kilig factor at chemistry nila. Parang nakikita namin sa kanila ang tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo noong nagsisimula pa lang na ang lakas na agad ng dating sa fans.

At panalo sa kaguwapuhan itong si James na ang lakas ng screen presence. OA na sigawan talaga kapag lumalabas siya sa screen especially kapag naka-topless. Yummy naman talaga in fairness sa young actor as in nag-uumapaw talaga.

Bagay na bagay kay James ang role niya sa Diary ng Panget — isang arogante, bastos, at isnaberong estudyante but deep inside ay may itinatago rin namang kabaitan.

Ang dami nilang nakakatawang eksena ni Nadine at napakarami naming itinawa sa pelikulang ito. Idagdag pa ang mga riot na eksena ni Candy Pangi­linan at Mitch Valdez.

Maging sa pag-arte ay pasado sa amin ang apat. Hindi pa masasabing kagalingan pero may promise. One thing, bagay na bagay sa kanilang apat ang kani-kanilang karakter. In other words, perfect sila for their roles.

Pinakabago sa kanilang apat si Andre pero bumilib kami na nakakaarte siya. Ang guwapo rin niya sa screen pero pagdating sa pagka-hot at lakas ng sex appeal, talbog siya ni James.

Simpleng simple ang story ng pelikula pero ang ganda at ang linis ng pagkaka-present ni Direk Andoy Ranay. Sobrang feel-good ng movie at mag-e-enjoy ka talaga sa halos lahat ng eksena.

Kahapon, April 2 ay nagsimula nang ipalabas ang Diary ng Panget sa mga sinehan at ang masasabi lang namin, go watch this movie at hindi sayang ang ibabayad ninyo.

Balita kahapon, naka-P22 million na agad ang pelikula dahil nga patok ang kilig sa pelikula.

By the way, may mall show ang buong cast ngayong Friday, April 4 sa Trinoma, Quezon City; April 5 (Saturday) sa SM Sta. Rosa, Laguna; at April 6 (Sunday) sa SM Taytay, Rizal.

The movie has been graded B by the Cinema Evaluation Board.

Show comments