^

Pang Movies

Juday nagpatapyas ng buhok, sinamantala na walang trabaho

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad nag-deny ang Young Superstar na si Judy Ann Santos sa balitang mayroon siyang mabigat na pinagdadaanan kaya niya naisipang magpagupit pa ng buhok, mas maiksi sa dati niyang hairstyle. Wala raw siyang problema bagkus ay na-miss lang daw niya talaga ang dahil style ng kanyang buhok kaya nagpagupit siya ngayon.

 â€œMainit lang talaga and for a change lang again since it’s summer. I’m not doing anything now, walang movie or teleserye. Sinasamantala ko lang ‘yung time na pwede akong magpagupit nang magpagupit nang magpagupit hanggang sa kalma na ako na ito na ‘yung look na gusto ko,” sambit ni Juday sa interview niya sa ABS-CBN.

Gusto lang daw niya ang “wash and wear” look kaya niya naisipan ito.

“Kasi with so many things na ginagawa ko ngayon, kailangan ko talaga ng wash and wear look. Look ko na ito nung 10 years ago, binalikan ko lang kasi na-miss namin ang isa’t isa,” paliwanag pa nito.

Samantala, tungkol naman sa kanyang career sa Kapamilya network, forever grateful daw siya sa ABS-CBN for giving her opportunities to explore new skills.

“Every time ABS-CBN would give me a hosting job, they never fail na pakabahin ako, hindi ako pa­tulugin. Iba kasi ‘yung confidence ko sa drama and sa hosting. I was never a host. Hindi naman ako madaldal na tao. Hindi ko alam paano makipag-converse sa tao na may camera. Sanay ako na ako ‘yung kinakausap,” sey pa ng asawa ni Ryan Agoncillo.

vuukle comment

AKO

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KAPAMILYA

KASI

LANG

MAINIT

RYAN AGONCILLO

SAMANTALA

YOUNG SUPERSTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with