Luis nakukulangan pa sa ipon kaya ayaw pang magpakasal

Inamin ni Luis Manzano na bagama’t buo na ang loob nito na si Angel Locsin ang gustong mapangasawa ay gusto pa rin niyang makapag-ipong mabuti para sa katatagan ng pamilya.

‘‘Gusto kong dagdagan pa ang aking ipon. Malamang na tumagal lang ng tatlo hanggang apat na taon ang nalalabing pera pero hindi pangmatagalan. Siyempre iba na kapag may mga anak kayo. Kailangang paghandaan ang kinabukasan nila,’’ sabi ng aktor.

May ilang nabago nang sila’y magkabalikan ni Angel. Ayon kay Luis, mas open ang communication nila at kapag may isyu ay pinag-uusapan nila ’yon. Higit sa lahat mas sweet sila ngayon sa isa’t isa.

Sa kabilang banda, may isa pang pangarap si Angel na gustong matupad at ito’y makapagtapos ng pag-aaral. Lagi nitong sinasabi na ang edukasyon ang the best na maipapamana niya sa mga anak.

Jennylyn preparado sa dalawang katauhan

Nakilala ang galing sa pag-arte ni Jennylyn Mercado sa Rhodora X. Bago pala ito pumunta sa set ay talagang handa na siya sa dalawang katauhan na ginagampanan bilang si Rhodora at Roxanne.

Papasok ngayon ang bagong persona (isang bata) na magkakaroon ng mahalagang papel sa buhay ng pamilya.

‘‘Pero mabuti na lang at pagdating ko sa bahay ay nawawala ang aking pagod, tension, dahil sa anak kong si Alex Jazz,” sabi ng aktres.

Dion sagot ang pamilya

Maganda ang naging birthday celebration ni Dion Ignacio dahil naging makabuluhan ito. Nag-donate siya ng drums and lyres sa Bagong Silangan Elementary School.

Si Dion ang inaasahan sa kanilang pamilya. Pinapagamot ng aktor ang ama sa kanyang pagda-dialysis buwan-buwan. Nag-iipon siya ng pera para sa kidney transplant ng ama.

Bukod pa rito, siya rin ang nagpapaaral sa dalawa nitong kapatid. Kaya naman gumanda ang career nito. Kasama siya sa Innamorata ng GMA 7.

 

Show comments