^

Pang Movies

Julia nag-click agad kay Enrique

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ilulunsad na sa pagiging solong bituin si Julia Barretto sa Mirabella at excited na ang magandang young actress. Iikot ang kuwento sa buhay ni Mira ang dalagitang nagmana ng sumpa sa pagkakaroon ng balat na tulad ng isang kahoy.

Makakatambal ni Julia sa kauna-unahang pagkakataon si Enrique Gil na nagsabing maganda ang working relationship nila.

Sabi nga ng aktor, ‘‘Sa taping ng Mirabella ay nag-click agad kami. Solid na agad ang tambalan. Julia is sweet, bubbly, laging nakangiti. Masayahin talaga siyang tao.’’

Ang Mirabella ay sa ilalim ng direksiyon nina Erick Salud, Jojo Saguin, at Jerome Pobocan.

Magsisimula na ito sa Marso 24, Lunes.

Pokwang puwedeng ma-in love sa beki

Tinanong si Pokwang, na kasama rin sa Mirabella, kung sakaling ligawan ba siya ng isang beki na gaya ni John “Sweet” Lapus ay ano ang kanyang gagawin?

Say ni Pokwang, ‘‘’Di naman natuturuan ang puso. Kung mahal ko siya sa kabila ng pagiging beki ng isang tao, basta’t mahal mo siya, ’yun na ’yon.’’

Ayon pa rin sa komedyana, mas madali siyang umiyak kaysa magpatawa dahil emosyonal siya.

Sa Mirabella, sina Pokwang at Sweet ang magpapalaki at magmamahal kay Mira.

Liza magpapabalik-balik sa Amerika

Tinanong si Liza Diño, na kasama rin sa Mirabella, kung mamamalagi na ba siya sa bansa.

“Mag-i-stay na ako rito pero resident ako ng Amerika kaya pabalik-balik din ako ng bansa,” sabi ni Liza.

Mabuti na lang at balik-acting si Liza dahil magaling naman itong artista. Sa presscon ay matamang nakabantay sa kanya si Aiza Seguerra na talagang in love sa kanya.

Bukod kina Julia, Enrique, Sweet, at Pokwang ay nasa cast din sina Sam Concepcion, Mylene Dizon, James Blanco, DJ Durano, Mika dela Cruz, Arlene Muhlach, Alora Sasam, at Gloria Diaz.

AIZA SEGUERRA

ALORA SASAM

AMERIKA

ANG MIRABELLA

ARLENE MUHLACH

ENRIQUE GIL

JULIA

MIRABELLA

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with