^

Pang Movies

Elmo at Janine hindi na inililihim ang relasyon

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Wala nang arte pa si Elmo Magalona nang tanungin ang estado ng relasyon nila ni Janine Gutierrez na kapareha niya sa Villa Quintana. Hindi na siya katulad noon na non-committal sa pagsasalita nung inili-link siya sa dating ka-love team na si Julie Anne San Jose at Lauren Young.

“Ako, gusto ko si Janine,” tugon ni Elmo nang tanungin kung ano na ang estado ng relasyon nila ng aktres.

Hindi man tuwirang sinabi na officially on na sila, sapat na ‘yung mga kuwento ni Elmo na nag-dinner sila nung Valentine’s Day, pormal na ipinakilala sa nanay at kapatid ang aktres at na-meet na ng binata ang mother ni Janine na si Lotlot de Leon.

“Right timing lang siguro. Alam ko na ang dapat ayusin at dapat kong gawin,” rason ni Elmo sa pagiging bukas sa damdamin kay Janine.

Eh tuwing nagho-host sila sa Sunday All Stars, napapansin ng mga manonood na lagi siyang nakatitig sa dalaga kahit may iba pa siyang babaeng hosts na kasama, huh!

“Iba kasi si Janine eh,” katuwiran ng rapper-actor.

Sa panig ni Janine, hindi niya itinanggi na gusto rin niya si Elmo. Kakakilala lang daw ni Elmo sa Mama Lotlot niya.

“Noong last week ‘yon. Sinundo niya ako. Gusto nila si Elmo. Si mama, hinahangaan si Elmo! Napapanood kasi niya ang Villa Quintana,” sabi ni Janine.

Ayon naman kay Elmo, masaya ang Mama Pia Magalona niya at mga kapatid na meron siyang kasundo at kasama sa show.

“Mas kasundo ko si Janine. Masaya sila. Gusto nila siya. Na-impressed din si mama sa kanya,” balita naman ni Elmo.

Al Tantay kinakausap sa dasal si Roy Alvarez

Si Al Tantay ang pumalit sa character ng yumaong character actor na si Roy Alvarez sa Villa Quintana. First taping day niya last Friday sa isang ospital sa Bustos, Bulacan. Wala naman siyang kontrata sa ABS-CBN kaya nang i-offer sa kanya ang role, nagpaalam siya sa Got to Believe.

“Humingi lang sila ng isa pang taping day sa akin. Sa Villa Quintana kasi, pagdating ng March, wala na akong ia-air doon. Nilabas na nila nung Wednesday ’yung aking last episode,” rason ni Al nang makausap ng press.

Ang makapagtrabaho sa ibang environment naman ang dahilan ng actor-director kung bakit tinanggap niya rin ang project.

“Matagal na naman ako roon. Ganoon naman talaga eh. Walang masamang tinapay. Ibang hangin. Ibang environment,” katuwiran niya.

Mahirap bang pumalit sa role ng isang namatay?

“Actually, si Roy, kinakausap ko sa dasal eh. Hahaha! First time kong maka-experience ng ganitong sitwasyon. Hindi ko naman kailangang kopyahin but as close as possible,” saad pa ng beteranong aktor na wish ding makapagdirek sa GMA.

vuukle comment

AL TANTAY

ELMO

ELMO MAGALONA

IBANG

JANINE

JANINE GUTIERREZ

NIYA

ROY ALVAREZ

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with