^

Pang Movies

Kuya Germs kinalimutan na ang edad kahit sa libro

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Magde-debut na kami,” pasimula ni German “Kuya Germs” Moreno sa special presscon sa pagsi-celebrate nila ng 18th year ng midnight show nila every Saturday, ang Walang Tulugan with the Master Showman. Naikuwento ni Kuya Germs kung paano dumating din siya sa punto na hindi niya akalain na mawawala ang lahat ng shows na sinimulan niya in 1978.  Pero dasal lamang at faith in God ang muling nagpalakas sa kanya dahil alam niyang mabuti naman ang layunin niya para sa mga baguhan na dini-develop niya ang mga angking galing.

Kaya nagpasalamat siya kay Atty. Felipe L. Gozon at iba pang executives ng GMA nang bigyan pa siya ng chance na magkaroon ng show, ang Master Showman at hindi siya tumanggi nang bigyan siya ng 10:30 p.m. timeslot every Saturday hanggang malipat ng hatinggabi.  

“Wala kaming advertisements dahil sino naman ang mag-aadvertise kung ganoong gabing-gabi na, pero may mga kaibigan pa ring nagpapasok ng commercial na hindi na kinukuha sa akin ng GMA at iyon naman ang ginawa kong incentives sa mga batang co-hosts ko sa show, para mayroon naman silang pamasahe. At nagpasalamat pa rin ako kay Atty. (Felipe) Gozon dahil sinabi niyang hanggang gusto kong mag-show, tuluy-tuloy pa rin kami.  At salamat din sa audience na patuloy na sumusubaybay sa show dahil maganda pa rin ang ratings namin every Saturday.  Kaya ang show namin bukas, February 8, ay isang pasasalamat sa inyong lahat.”

Birong tinanong si Kuya Germs bago umupo kasama ng kanyang co-hosts sa presscon kung ilang taon na ba siya ngayon, ang sagot niya, “my age is the same as yesterday.”  Kahit sa kanyang coffee table book, wala ring exact birthday si Kuya Germs.

Aicelle hindi pumiyok sa kanta ng Aegis

Second weekend na ngayon ng musical play na Rak of Aegis na featured ang mga songs ng grupong Aegis na inawit ng buong cast sa pangu­nguna ni Aicelle Santos, Isay Alvarez-Sena, at Robert Seña.

Bumilib kami kay Aicelle, na ayon din kay Direk Mark Reyes na kasabay naming nanood ng ope­ning night, kayang-kayang abutin ng singer-actress ang mataas na tono ng Aegis, walang part na pumiyok siya. 

Ang musical play na tatagal hanggang sa March 8 sa PETA Theater ay sa direksyon ni Maribel Legarda mula sa script ni Liza Magtoto. 

Teka lang, nakita naming mag-isang nanood si Gian Magdangal ng play at tahimik lamang siyang lumabas ng theater, hindi niya pinansin ang mga press na nandoon.

 

AICELLE

AICELLE SANTOS

DIREK MARK REYES

FELIPE L

GIAN MAGDANGAL

GOZON

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with