Vhong bawal sa GMA?!

Nakakagulat na kay Jessica Soho mismo nangga­ling na wala pang panayam ang GMA 7 kay Vhong Navarro at sa kanyang kampo. Ibig sabihin lahat ng mga binabalita ng istasyon na pahayag ni Vhong, se­cond-hand information?

Ang sinabi pa ni Jessica, laging bukas naman ang kanilang network, anytime na may gustong ipahayag ang nabugbog na artista at ang kanyang mga kakampi.

Maging sa mga ganitong pangyayari pala meron dapat exclusive. Kahit ang sinasabing katotohanan, puwede rin kayang ipagdamot at maging monopoly ng isang network?

Bakit ang GMA 7 ba kapanalig nina Deniece Cornejo at mga kasama? 

Bumubuti na ang lagay ni Vhong, ayon sa kanyang mga doctor. Tinanggal na ang bandage sa kanyang ilong, pati ang mga tahi nito.

Ang sabi sa health report, nakatulong ng malaki ang pagiging dancer ng binugbog na biktima. Na­ging matitibay ang kanyang mga buto at hindi agad bumigay sa tinamong pambubugbog.

Ngayon ay iniiwasan muna ni Vhong ang magpa-interview sa TV at ibang media. Payo ng mga doctor, huwag muna siyang bigyan ng stress upang maging tuluy-tuloy ang paggaling.

Ex ni Angel abala sa PAGTUTURO

Abala ang dating boyfriend ni Angel Locsin sa kanyang Phil Younghusband Football Academy. Siya mismo ang namumuno sa pagbibigay ng football clinics sa kabataan, na magsisimula din sa Circuit Makati.

Ang dating Sta. Ana Racetrack ay ginawang sport-entertainment center na Circuit Makati, sa lahat ng mga Pinoy, pati na sa masa.

 K-POP gustong magbakasyon sa Bora

Bantog ang Boracay at ang probinsiya ng Laguna bilang top tourist destination sa buong mundo. Pati ang K-Pop band na Ajax, gustong bumalik sa ating bansa upang magbakasyon at makita ang nasabing mga lugar.

Pinag-uusapan sa South Korea ang Boracay, na alam nila as one of the most beautiful beaches sa buong mundo. Kilala naman ang Laguna sa kanilang bansa, sa mga hot springs, magagandang tanawin at ancient churches and houses.

Ang sabi ng teen group, hihilingin nila sa kanilang manager na bigyan sila ng isang buwang pahinga, para bumalik sa Pilipinas.

Julia Fordham sa bansa magpapalipas ng araw ng mga pusoBigla kaming na-excite sa back-to-back concert nina Julia Fordham and the durable Pinoy Jazz Queen, Annie Brazil on Feb. 15 sa United Architects Building, Scout Rallos, Quezon City. Dapat mapanood ang post-Valentine show.

Sa Feb. 14, kasama ni Julia Fordham ang mga anak ni Annie Brazil na sina Richard Merck at Rachel Anne Wolfe sa Solaire Resort and Casino show.

Album ni Xian pinakyaw, nag-no. 1 sa overall charts!

Sino kaya ang namakyaw ng album ni Xian Lim at No. 1 ngayon sa overall charts ang kanyang So It’s You CD. Tiyak na hindi si Kim Chiu, dahil mala­king halaga rin ang daan-daang albums.

Sigurado naman na mga tagahanga ni Noel Cabangon ang bumili ng kanyang Acoustic Noel CD, na nasa second spot. Lahat naman kasi ng albums ni Noel, mga top sellers.

Mukhang natutulog sa pansitan ang mga Daniel Padilla fans, dahil naglaho sa Top Ten ang second album ng teen idol.

Ang iba pang OPM artists na nasa best­sellers list ay ang Callalily, Parokya ni Edgar, Angeline Quinto, at ang nasa Got to Believe teledrama (kasama si Daniel Padilla) na ang soundtrack album ay napasama sa hit list.

Buti naman at hindi nakasingit ang mga foreign artists, pati K-Pop group this week at ang namayani sa charts ay mga Pinoy.

Show comments