Ang cute naman pala talaga ng bonding ng pamilya ni Cheska Garcia na biglang kilala na ngayong Team Kramer. Nagkaroon ng tsansang maipakita sa telebisyon ang ginagawa nila sa social networking sites na Facebook at Instagram. Para tuloy silang nagkaroon ng mini-reality show sa Fashbook nung Huwebes ng gabi sa GMA News TV.
So, ‘yun pala ang kinatutuwaan sa pamilya ni Cheska, game ang asawa niyang cager na si Doug Kramer at ang kanilang tatlong tsikiting sa kapo-pose na naka-pustura at kung minsan ay naka-costume silang mag-anak. ’Kaaliw ang kanilang young modern family. At sosyal tingnan dahil mga tisoy at tisay sina Cheska at Doug.
Parang nagkaroon din tuloy ng niche show si Cheska bilang ina at asawa. Sa matagal niya kasing lifestyle show na US Girls ay hindi naman niya nai-highlight ang buhay-pamilyado niya dahil hindi naman niya solong nai-host ang show. At hindi naman personal ‘yun.
Sa Team Kramer sa Facebook at Instagram, personal na personal ang pagpapasilip nila ng kanilang buhay. Kung titingnan sina Cheska at Doug ay mukha silang suplada’t suplado pero sa ginagawa nila ay napapalapit sila sa mga tao.
Milyon na ang followers nila na nagla-like lalo na kapag ang tatlong anak nila ang umeeksena.
Pinoy films mas tinao kesa kina Mark at Leonardo
Medyo matamlay yata ang foreign films sa mga sinehan nitong nakaraang dalawang linggo. Ayon sa ilang kakilala, dismayado sila na isang linggo lang ang itinagal ng Lone Survivor sa ilang sinehan. Nang ipinalabas ang The Wolf on Wall Street ay hindi rin nagtagal at sa sumunod na linggo ay kahati na nito sa isang cinema ang Jack Ryan: Shadow Recruit.
Ang Lone Survivor ay ang pinagbibidahan ni Mark Wahlberg na tinao sa US at pinuri nang ipalabas sa mga unang araw pero rito sa atin ay nilangaw. True-to-life story ang action film na tungkol sa nakaligtas na US Navy SEAL. Maganda raw ang pelikula kaya nakakapanghinayang na hindi ko na ito naabutan.
Ganundin ang The Wolf on Wall Street ni Leonardo DiCaprio dahil partnership nila ito uli ng director na si Martin Scorsese. Nanalong best actor sa pelikulang ito sa nakaraang Golden Globe Awards si Leonardo at umaani pa ng nominasyon ang aktor sa iba’t ibang award-giving bodies kaya magandang mapanood kung bakit.
Sana naman ay huwag matanggal agad ang Jack Ryan: Shadow Recruit at base sa napanood ko ay magaling naman ang action film na hango sa bagong libro ni Tom Clancy. Ala-Matt Damon sa Bourne series dito si Chris Pine bilang Dr. Jack Ryan. MaiÂrerekomenda ko talaga ito sa mga manonood ngayong Sabado at Linggo.
Puwede sigurong masabi na isang nakaapekto sa foreign films ay ang pagpapalabas ng dalawa nating pelikulang Pilipino. Nauna ang Bride for Rent at sumunod ang Mumbai Love.
Mas malakas yata ang appeal nina Kim Chiu at Solenn Heussaff kesa Hollywood actors na sina Mark, Leonardo, at Chris.
***
May ipare-rebyu? E-mail: kibitzer.na.nicher@gmail.com