Regine at Ogie mas memorable ang Valentine noong ‘di pa mag-asawa

MANILA, Philippines - Hiwalay muna sina Regine Velasquez at asawa na si Ogie Alcasid sa paghahandog ng Va­lentine show. Si Martin Nievera kasi ang ka-back to back ni Songbird sa Voices of Love concert sa Feb. 14 sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Bale third time niyang makakasama ang Concert King kaya naman todo kantahan ang magaganap sa sanib-puwersa nila.

Dahil nga busy ’pag Valentine’s Day, sini-celebrate nila ni Ogie ang okasyon before or after ng concert nila. Ayon kay Reg, memorable naman lahat ng Heart’s Day nila.

“Pinaka-memorable sa akin was the simplest. One Valetine’s Day, tago pa kami, siya lang ang nag-effort. Naglagay siya ng petals hanggang sa room.

 â€œPagdating ko sa room may candle lights. Pinatugtog niya... cassette pa nga eh! Hahaha!

 â€œAno bang song na ’yon? Elvis Presley nga eh. Ahh, Love Me Tender.

 â€œFor me the simplest kasi ’yun ang tumatatak sa ’yo eh,” kuwento ni Regine.

Tapos nag-sex sila?

“Nang bonggang-bongga! Hahaha! Ang halay mo!”  sagot niya.

Ano’ng suot ni Ogie?

“Ribbon lang! Hahaha!” sakay naman ng singer-actress.

After ng Voices of Love ay balik-teleserye si Regine sa GMA by March. Matapos siyang pagbigyan ng network sa hiling ng mas mahabang oras sa anak na si Nate, this time ay handa na siyang mabawasan ang oras sa anak.

Ang pagiging hands-on mother at wife ang kinabiliban ni Martin kay Regine bukod sa pag-aalaga sa career.

Pero kung may appeal si Regine kay Martin noong baguhan pa siya, mentor at friend naman ang turing ni Reg sa Concert King.

 

Show comments