Usap-usapan ngayon ang sinasabing pag-snob ng nanay ni Heart Evangelista sa kanya na naganap sa isang mataong mall sa Makati City kung saan marami ang nakasaksi. Kumaway daw si Heart at nag-acknowledge naman ang kanyang ina, ayon sa sources, pero nang lumapit ang aktres para humalik ay iniwasan siya nito.
Ayon sa mga naunang report, nag-iiyak na lang daw si Heart dahil napahiya siya. Bukod pa roon sinabi pa ng aktres na ang masakit pa ay hindi na niya nakakasama ang mga kapatid dahil na rin sa utos na layuÂan siya.
Hindi sa nakikialam kami kasi personal nilang buhay iyon. Nagkataon lang na ang pangyayari ay naganap sa isang pampublikong lugar. Kung iyon ay naganap sa isang pribadong lugar, o sa isang pribadong okasyon, hindi kami magsasalita tungkol sa kaganapang ito. Wala naman kaming nakikitang interes doon dahil problema iyon ng kanilang pamilya.
Tama nga ang reaksiyon ng ermat ni Heart na huwag na lang magsalita pa. Nasabi na naman niyang lahat kung ano ang gusto niyang sabihin tungkol sa kanyang anak. Tahasan namang sinasabi ni Heart na hindi niya susundin ang kanyang mga magulang, kaya ano nga naman ang maaari mong asahan sa isang magulang na ayaw sundin ng kanilang anak? Makikipagmabutihan pa ba sila sa isang anak na suwail sa kanila? Siyempre hindi.
Kaya palagay namin na normal lang ang naging aksiyon ng ina ni Heart nang magkita sila. Hindi siya plastic. Hindi naman usapang showbiz iyon eh. Nagkita silang mag-ina, binati siya at okay lang naman. Pero iyong hahalik pa sa kanya, siguro iyon ang ayaw na niya.
Sa kaso naman ni Heart, alam niya kung ano ang galit ng kanyang ina sa kanya. Alam din naman niya kung ano ang kanyang ginawa. Hindi na bata si Heart eh. Dapat alam niya kung ano ang dapat niyang kalagyan. Kung alam mong galit ang magulang mo sa iyo, siguro huwag mo na rin silang ilagay sa kompromiso. Umiwas ka na lang din.
Mga nanonood ng pelikula nasanay na sa maraming commercial, dedma sa mga kritiko
Marami ang nagsasabi na hindi raw maganda ang pelikula ni Vic Sotto. Wala raw halos laman ang kanyang pelikula kundi ang sunud-sunod na commercial endorsements. Pero ano pa nga ba ang maÂgaÂgawa n’yo eh kuÂmikita ang pelikula? Iyong comÂmercial endorsements, waÂla na lang sa mga tao dahil masÂÂyado na silang nasanay sa panonood ng telebisÂyon na maya’t maya ay may commercials. Kaya hindi na nila napansin na ang pinanonood nga pala nila ay pelikula at nagbayad sila para mapanood iyon.
Ang Metro Manila Film Festival, hindi para sa mga kritiko iyan. Tingnan ninyo, ang pelikulang humakot ng awards hindi naman kumita. Palagay n’yo ba happy ang producers? Palagay n’yo rin ba na makakakuha agad ng trabaho ang mga artista nun? Galing sila sa flop eh.
Ang pelikula ni Vic, sabihin na ninyong paÂngit, eh kumikita naman. Ibig lang sabihin niyan, nagkukulang ang mga kritiko na bigyan ng sapat na edukasyon ang masa kung ano ang magandang pelikula. Ang tao ngayon basta nasiyahan sila kahit na sandali lang, okay na sa kanila iyon.
Ayaw na nilang makakita ng mga pelikulang ang laman ay puro problema. Nagsawa na rin sila sa drama sa telebisyon, tama na iyon.