Marian pabalik-balik na sa Visayas

MANILA, Philippines - Hectic man ang schedule ni Marian Rivera ay nagawa niyang sumilip sa party ng Pilipino Star NGAYON (PSN) at Pang-Masa (PM).

Hindi niya raw puwedeng hindi siputin ang opisina ng dalawang tabloids na malaking tulong ang ibinibigay sa pamamagitan ng publisidad. Bagay na pinatunayan ni Marian, marunong siyang tumanaw ng utang na loob at may isang salita. Kung anong sinabi, tiyak na tutuparin niya.

Noong makasama namin si Marian sa pista ng Jaen, Nueva Ecija na naimbita ni Mayor Santy Austria ay malaki rin ang pasasalamat ng mga Nobo Ecijenyo sa kanyang pagdating. Abala siya noon sa taping pero sinikap niyang matupad ang pangakong motorcade. Doon din namin napansing mahilig pala siya sa seafood.

Sino bang artistang sikat ngayon ang ilang beses nang pumunta sa mga biktima ng Tacloban City, Leyte at Estancia, Iloilo, at personal na namigay ng relief goods at laruan sa mga bata? Kahit mainit ang araw, namigay sila ng tulong kasama si Dingdong Dantes, ang love of her life na may malasakit din sa kapwa.

Naiyak si Marian noong makita ang mga batang nawalan ng mga magulang, paaralan, at bahay. Nakakagaan daw sa dibdib kapag nakakatulong siya sa kapwa.

Kaya nakapagtataka, bakit palagi na lang sinisiraan si Marian na suplada o maldita?

Abra nasaksihan ang pagandahan ng Christmas tree sa Baliuag

 Umani ng mga papuri ang pa-contest ni Baliuag, Bulacan Mayor Carolina Dellosa — ang pagandahan ng Christmas tree sa simpleng paraan. Binigyan niya ng papremyo ang mga nagwaging sumali sa contest.

Dinadayo sa kasalukuyan ng mga katabing-bayan sa Bulacan ang mga naka-display na kalahok sa glorietta ng Baliuag. Guest pa si Abra noong magsisimula ang Christmas tree-making contest.     

 

Show comments