^

Pang Movies

Vic nakapagpakilig sa pagdedeklara ng totoong relasyon kay Pauleen

- Vinia Vivar - Pang-masa

Bilib naman kami kay Boy Abunda dahil siya lang ang nakapagpaamin kay Vic Sotto regarding his relationship with Pauleen Luna. Matagal nang alam sa showbiz ang relasyon ng dalawa at bagama’t walang direktang pag-amin mula sa kanila, kapag tinatanong naman sila about each other, ay sumasagot naman sila maliban lang sa direktang pag-amin.

Maging si Kris Aquino nga, sa presscon ng My Little Bossings, ay kinumpirma niya na talagang si Pauleen ang girlfriend ni Bossing at hindi naman ito kinokontra ni Vic.

Last Friday, sa guesting ni Bossing Vic sa Ikaw na Segment ni Kuya Boy sa Bandila, tina­nong siya ng King of Talk kung halimbawang bubuksan ang kanyang puso ngayon, ano raw pangalan ang nakasulat.

Say ni Vic, “Tinatanong pa ba ’yan?”

“Oo nga,” say ni Kuya Boy, “Hindi na nga tinatanong ‘yan”.

Sagot ulit ni Bossing, “Pero sasagutin ko na rin. Pauleen.”

Ito ay direktang pag-amin na rin ng relasyon nila na first time ginawa ng aktor/komedyante. Halatang ikinatuwa naman ng mga tao sa studio at maging ni Kuya Boy ang nakakakilig na sagot ni Bossing.

For sure, maging si Pauleen ay kinilig.

Korina, maganda ang Pasko

Maganda ang pasok ng Disyembre para kay Korina Sanchez. Bukod sa todo sa pag-arangkada ang kanyang daily radio show na Rated Korina sa DZMM at patuloy ang mataas na ratings ng TV Patrol at ng kanyang weekly Sunday magazine TV show na Rated K, binigyang parangal si Korina kamakailan ng dalawa sa pinakarespetadong award-giving bodies ng bansa.

Kinilala ng Anak TV Awards ang kanyang prog­ramang Rated K bilang Most Popular TV Show. Ang Anak TV ay ibinibigay para sa mga child-friend­ly na mga programang pangtelebisyon na ma­aari at malayang panoorin ng mga kabataan.

Tinanggap ni Koring ang award kasama ang executive producer ng Rated K na si Stanley Castro.

Hindi ito ang unang karangalan na natanggap ni Koring at ng Rated K mula sa Anak TV Awards. Hall of Famer na si Koring at ang kanyang show sapagkat linggu-linggong naghahatid sila ng mga makabuluhan, magaganda, at interesting na feature stories na ’di lamang maituturing na isang form of weekly entertainment kundi isa ring palabas sa TV na kapupulutan ng aral at inspirasyon.

Pinarangalan din si Koring sa ikatlong Makatao Awards for Media Excellence ng People Ma­nagement Association of the Philippines (PMAP) bilang Female Newscaster of the Year habang Best TV Newscast naman ang TV Patrol na co-anchor si Koring kasama nina Noli de Castro at Ted Failon.

Ejay matagal nang puntirya na maging action star

Talaga palang noon pa gustung-gustong ma­ging action star ni Ejay Falcon. Kuwento nga ni Direk Toto Natividad na direktor niya sa Saka Saka na official entry for Metro Manila Film Festival under New Wave Full Feature Film Cate­gory, sinabi raw talaga sa kanya ng young actor na ito ang kanyang pangarap.

“Talagang sinabi niya sa akin na gusto niyang maging action star. Sabi niya sa akin, ‘Gusto ko po ‘yung ginawa n’yo kina Cesar Montano, Victor Ne­ri, Phillip Salvador, Rudy Fernandez.’ Sabi ko, ‘Sige, gagawin kitang action star,’” sabi ni Direk Toto.

Nang ginagawa nila ang Saka Saka ay nakita raw niya talaga na may potensiyal si Ejay para maging isang action star.

Ayon naman sa aktor na tubong Mindoro, ang mga iniidolo niyang action stars ay sina Fernando Poe, Jr. at Cesar Montano.

Sa Saka Saka ay dalawa silang bida ni Joseph Marco na ayon kay Direk Toto ay may future rin na maging action star.

Ang Cinebro ang producer ng Saka Saka na bagong label ng Star Cinema for independent films. Ipapalabas ito sa SM Megamall sa Mandaluyong City at Glorietta sa Makati City mula Disyembre 18 hanggang 24.

vuukle comment

ACTION

CESAR MONTANO

DIREK TOTO

KUYA BOY

PAULEEN

RATED K

SAKA

SAKA SAKA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with