^

Pang Movies

Angel ayaw nang guluhin ang utak kay Phil

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa sa mga deserving recipient ng sa Anak TV Seal Awards bilang isa sa mga Makabata awardee ay ang Kapamilya actress na si Angel Locsin. Bukod sa kanyang wholesome image ay kahanga-hanga ang kanyang ipinakitang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad lalo na sa mga Yolanda victim bilang Philippine National Red Cross volunteer. Kitang-kita na sinsero siya sa kanyang pagkakawanggawa sa likod man ng camera.

“Para sa akin, isa ito sa mga importanteng award na natanggap ko kasi ’yung maging role model ka, at ’yun ang award na matanggap mo, ay malaking karangalan ’yun. Hindi ko nga alam kung ano ’yung ginawa ko para mailagay ako rito ng walong taon na magkakasunod.

“I am very happy at thankful na sa tingin ng ibang tao na mayroon akong ginagawa sa buhay ko na nagi­ging positive sa mga kabataan.”

Samantala, nang mausisa sa dalaga ang estado ng kanyang love life ngayon ay naging open na rin ito sa pagbibigay ng pahayag. Lumabas kasi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noon ang naging deklarasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Phil Younghusband na, “ I’m still in love with Angel... Angel is the only one I’m thinking about on my lonesome.”

Reaksiyon ni Angel…

“Oo nga, nabalitaan ko nga. Hindi ko pa talaga nababasa. Nagulat lang ako kasi sinasabi sa media agad… Nag-uusap naman kasi kami eh. Sana nasabi niya muna sa akin nang diretso at hindi sa media. Pero wala namang issue sa akin ’yun, baka naman talagang open lang siya. Nagulat lang talaga ako. Hindi naman kami nag-uusap sa bagay na ’yun. Kung mag-usap, mag-usap. Kung hindi, di hindi. Ganun,” pahayag pa ni Angel sa interview sa kanya.

Sa tingin ba niya ay magkakabalikan pa sila ni Phil?

“Hindi ko alam eh. Mas kayo pa ang kumakausap sa akin tungkol dito sa bagay na ito, kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pero right now, we’re okay. Nagko-communicate kami sa pamamagitan ng text. Pero siyempre, nasa breakup kami eh, ’di ba? Mahirap naman ’yun,” sagot ng aktres.

If ever ba ay may second chance pa sa puso niya?

“Hindi ko talaga alam. Gusto ko lang talagang magpahinga muna kasi mahirap… kaka-break up lang namin ’tapos iisipin mo na naman kung magkakabalikan. Ayoko ko lang guluhin ’yung utak ko,” iwas ni Angel. 

vuukle comment

ANAK

ANGEL LOCSIN

NAGULAT

PERO

PHIL YOUNGHUSBAND

PHILIPPINE ENTERTAINMENT PORTAL

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

SEAL AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with