MANILA, Philippines - Walang indikasyon na simula na ng wakas para kay Supremo Andres Bonifacio (ginagampanan ni Sid Lucero). Dahil sa iringan sa pagitan ng paksyong Magdiwang at Magdalo, kinailangang magtungo sa Cavite ng Supremo. Aalis siya sa probinsiya na nanganganib ang puwesto, at ang buhay.
Ang pulong para ayusin ang pagÂkakawatak-watak ng grupo ay nauwi sa isang halalan. Bagama’t siya ang namuno sa proseso, walang nagawa ang Supremo. Natalo siya sa pagka-pangulo, at hindi napili sa mga sumunod pang puwesto. Nang mahalal na Kalihim ng Interior, kinuwestiyon pa ang kanyang kakulangan sa edukasyon. Dito na nagpakita ng emosyon ang Supremo, at idineklarang walang bisa ang naganap na halalan.
Samantala, tinalo ni Emilio Aguinaldo sa labanan ang Espanyol na si Gen. Ernesto AguiÂrre. Dahil dito, lalong lumakas ang Katipunan sa Cavite.
Sa kanyang pagkatalo sa Tejeros, masama ang loob na iniwan nina Andres at Oriang de Jesus ang Cavite. Nagplano naman sina Aguinaldo kung paanong mapapalakas pa ang kanilang posisyon matapos ang eleksyon sa Tejeros.
Matapos ang pagkamatay ni Pacquing, kakalingain si Sebastian sa bahay ng dalagitang si Aurora. Dito makikilala niya ang iba pang Katipunero at makakasalamuha ang isang dating guardia sibil na sumapi sa Katipunan. Hindi mauuwi sa mabuti ang kanilang pagkakakilala.
Alamin ang simula ng wakas para sa Supremo sa Katipunan, tuwing Sabado, ika-10:15 ng gabi sa GMA 7.