^

Pang Movies

Regine ayaw ipagtanggol si P-Noy!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa gitna ng napakaraming kritisismo ngayon  kay Presidente Noynoy Aquino, pati si Regine Velasquez ay natanong kung ano ang masasabi niya tungkol dito bilang isa siya sa mga nag-endorso kay P-Noy nang tumatakbo itong presidente noong 2010.

“Normal na i-criticize ang go­vernment. Iki-criticize at iki-cri­ti­cize talaga sila. Kung may pagku­kulang, may pagkukulang naman talaga,” say ni Regine.

Pero hindi na raw niya trabaho pa ang ipagtanggol ang pangulo.

“It’s up to them para… hindi ko job na ipagtanggol sila. Ipagtanggol nila ang sarili nila at ipakita nila na meron silang nagawa. Kumbaga, ako, sumuporta ako kay P-Noy because I believe in him. I believe that he’s an honest man, you know. Presidentiable talaga siya. Pero sa ngayon, natapos na ’yung job ko,” iwas ng Asia’s Songbird.

When asked kung naniniwala pa rin ba siya kay P-Noy, she still does daw.

“As a person, I still do believe in him. I know that he’s an honest person. But siguro marami pa siyang kailangang patunayan sa mga Pilipino.

“Hanggang dun na lang ’yun. Like I said, it’s not part of my job para ipagtanggol siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya,” pahayag ni Songbird.

Modelong nakilala sa pagiging kalbo, nanggulat na tinutubuan na ng buhok!

Marami ang nagulat sa singer/songwriter/TV host na si Abby Asistio nang dumalo ito sa press launch ng Novuhair Topical Scalp Lotion dahil may tumutubo nang buhok sa anak ng dating aktres na si Veronica Jones at pinsan ni Andi Eigenmann.

Sa mga nakakakilala kay Abby, open book naman sa showbiz na may sakit siyang alopecia na ang ibig sabihin ay “hair loss or baldness”. Four years old pa siya nang dapuan siya ng nasabing sakit kaya nakagisnan na nga namin siyang kalbo and, in fairness sa modelo, bagay sa kanya!

Last March lang nagsimulang gamitin ni Abby ang Novuhair at ang bilis ng epekto nito dahil may buhok na siya ngayon na simula nang bata siya ay hindi niya naranasan.

“Ikinahiya ko po talaga ’yung kakulangan (ng buhok) na ’yun na hindi ko po ipinapakita kaya po ako nagsusumbrero at nagwi-wig while growing up,” pagre-recall ni Abby sa entertainment press sa press launch ng Novuhair.

“Pero last year po, napag-desisyunan ko na hindi ’yun hadlang sa anuman ang gusto kong gawin sa buhay na, ibig sabihin, I’m less than everyone because I don’t have hair.

“Kaya naman po sa ganung pagkakaroon ng acceptance, imagine n’yo po ’yung hope na naibigay sa akin na mayroon palang ganung produkto? Na puwede pa palang tumubo ang buhok ko kasi ilang taon (26 years) ko na pong dinadala na hopeless na, kalbo na lang ako forever, na talagang ini-imagine ko tungkol sa future na ’pag ikinasal ako, naka-wig ako. Kaya talagang inisip ko wala ng pag-asa.

“Kaya nung nasi­mulan kong gamitin ’yung Novuhair, sa totoo lang po, I really had no expectations. Ginamit ko po officially March (2013) kasi December ako kinausap ng mga taga-Novuhair so March lang ako nag-start hanggang ngayon ginaga­mit ko po at heto may buhok na ako after five (5) months,” masayang kuwento ni Abby.

Say pa niya, kumakapal at tumataba raw ang mga buhok niya at hindi na nalalagas. Minsan nga raw ay sinasabunutan pa niya just to check kung may matatanggal.

Well, bilang bagong brand ambassador ng Novuhair Topical Scalp Lotion: Nature’s answer to hair loss, masasabi naming perfect na perfect si Abby to endorse the product dahil mismong sa kanya ay epektibo ito. Kumbaga, siya ang living testimony kung gaano kahusay ang nasabing produkto.

                   

 

ABBY ASISTIO

AKO

KAYA

NOVUHAIR

NOVUHAIR TOPICAL SCALP LOTION

P-NOY

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with