TV host dinidedma ang kapatid sa amang naghihikahos sa probinsiya

May kapatid pala sa ama ang isang kilalang female TV host na hirap sa buhay sa isang malapit lang na probinsiya. Pero ang nakakalungkot ay ayaw daw kilalanin ni female TV host ang kanyang kapatid sa ama. Nagkita na sila noong hindi pa pinapasok ng una ang showbiz. Pero noon pa ma’y malayo na raw ang loob nito sa kanila.

Lumaki kasing spoiled ang female TV host kaya hindi nito matanggap na may iba siyang kapatid sa labas.

Ayon sa aming source, hikahos sa buhay ang kapatid ng female TV host. Wala raw permanenteng trabaho at may pamilya itong binubuhay.

“Pa-extra-extra na lang siya sa mga construction at minsan nagbebenta sa kahit sinong may puwesto sa palengke basta lang may maiuwi siya sa kanyang pamilya na makakain.

“Mabait naman siya kaya marami ang tumutulong sa kanya. Alam din ng mga tao roon na kapatid niya ang female TV host. Nagtataka sila kung bakit ayaw nitong humingi ng tulong.

“Nahihiya raw siya kasi kahit noon pa kasi hindi nga naging malapit sa kanila ang kapatid na celebrity Ayaw niyang isipin na sinasamantala ang pagiging magkapatid nila.

“Kung maalala raw sila ni female TV host eh ‘di mas maganda. Hindi lang siya sure kung alam ng mister ni female TV host na may kapa­tid ito sa labas. Mabait pa naman ang mister niya at siguradong magbibigay ng tulong iyon sa kanila kung alam lang sana niya,” kuwento ng source.

Ilang beses na rin daw na tinangka ng kapatid ni female TV host na kausapin siya, lalo na noong magkaroon ng malubhang sakit ang isang family member, pero napigilan daw siya dahil baka hiyain lang siya ng kapatid at hindi pansinin.

Mabuti na lang daw at tinulungan siya ng kanyang mga kapitbahay kaya nakaraos sila. Pero dasal pa rin niya na balang araw ay kilalanin na siya ng half-sister na TV host para maging masaya na sa kanyang buhay.

Megan Young ibebenta ang mga sinuot sa Miss World coronation para sa mga winasak ng Yolanda

 Maghe-head  si Miss World 2013 Megan Young ng isang charity event sa US next week para sa victims ng Typhoon Yolanda sa Pilipinas. Si Megan mismo ang pupunta sa Pilipinas para personal niyang dalhin ang mga malilikom niyang funds sa tulong ng Miss World Organization.

“The Miss World charity, Beauty With a Purpose, has made the decision to direct all of its fundraising efforts into supporting the people of the Philippines,” ayon sa news release ng Miss World website.

On Nov. 19 ay makakasama ni Megan ang Phi­lippine consul general in New York, USA, na si Mario Lopez de Leon, Jr. sa isang charity dinner kasama ang ilang members ng Filipino community in New York state.

On Nov. 20 naman, Megan will grace the Doubletree Hilton I in Newark, New Jersey.

“Originally planned as a reception dinner celebrating the coronation of the Philippines first ever Miss World, the event will now focus on the fundraising powers of the Miss World Organization, with everyone coming to the event ma­king a donation to the relief funds,” ayon pa rin sa news release.

On Nov. 21, Megan will fly to Los Angeles para sa isang fund-raising dinner at the Beverly Hills Country Club hosted by the Philippine consul general in Los Angeles, Maria Hellen Barber-dela Vega.

Ang magiging highlight  ng naturang event ay ang auction ng mga gown na sinuot ni Megan sa kanyang pakikipag-compete sa Miss World in Bali, Indonesia. Kasama rito ang National Dress Costume, homecoming gown, at ang outfit na sinuot noong koronahang Miss World ang Fil-Am actress.

Pagkatapos ay lilipad na pa-Manila si Megan para sa kanyang second homecoming on Nov. 27. Siya mismo ang magdadala ng mga cash donation na kanyang na-raise.

 Sasamahan si Megan ng delegation mula sa Miss World Organization sa pagbisita niya sa Tacloban City sa Nov. 28 at sa Coron, Palawan sa Nov. 29.

Sobra nga raw naapektuhan si Megan nang mabalitaan niya sa TV ang matin­ding nangyari sa ating mga kababayan pagkatapos ng Typhoon Yolanda.

Ang kanyang inang si Victoria Young ay taga-Antique na isa sa mga probinsiya na tinamaan ng super typhoon.

Lagi ngang nagpapadala ng mensahe si Megan sa kanyang Twitter account na magdasal at huwag mawalan ng pag-asa ang kanyang mga kababayan dahil hindi natutulog ang Diyos.

 

Show comments