Congratulations kay Aljur Abrenica. Sa kabila ng super typhoon na si Yolanda, successful ang kanyang Come and Get Me concert sa Music Museum last Thursday evening. Sinuportahan si Aljur ng mga executive ng GMA Network at ng kanyang mga co-star sa romantic-comedy series nilang Prinsesa ng Buhay Ko. Naroon si Direk Dondon Santos at nagpakuwela pa ang bading sa story na si Phil (Jan Manual) na nagbigay ng bouquet of flowers kay Aljur sabay halik.
Siyempre pa ay tilian ang fans lalo na nang ipakilala ni Aljur ang prinsesa ng buhay niya dahil simula pa sa StarStruck ay marami na silang projects na pinagsamahan, si Kris Bernal. Inabangan ng audience kung babatiin ni Kris si Kylie Padilla na nasa audience pero walang batiang nangyari pero na-acknowledge ni Aljur ang girlfriend na katabi ng mga taga-GMA.
Pasabog ni Aljur ang halos hubaran siya ni Rochelle Pangilinan sa kanilang dance number. Sayang lamang na nagkasakit si Vin, kaya hindi nakapag-guest sa concert ng kanyang kuya. The whole show, magaganda ang mga kinanta ni Aljur, kasama na ang ilang songs sa bago niyang album na iri-release na sa January.
Meanwhile, kung very smooth ang pagiging magka-love team nina Aljur at Kris, sa Prinsesa ng Buhay Ko, hindi mapatawad ni Cess (Kris) ang pagsisinungaling sa kanya ni Nick (Aljur) na siya pala iyong childhood friend niya sa ampunan na nang-iwan sa kanya.
Alden natupad na ang pangarap na makasama si Marian
Dream come true kay Alden Richards na siya ang magiging kasama ni Primetime Queen Marian Rivera sa bagong soap na sisimulan na nila ang taping next week. Hindi itinago noon ni Alden na gusto niyang muling makasama si Marian sa isang project.
Nagkasama na sila noon sa My Beloved with Dingdong Dantes pero na-cut short ang role niya at ni Louise delos Reyes dahil nagsimula nilang gawin ang top-rating nilang drama series na One True Love. Magkasama na silang ipinadala ng GMA sa trade launch sa Davao City last Thursday.
Naiiba ang role na gagampanan ni Alden sa soap na ididirek ni Dominic Zapata mula sa script ni Suzette Doctolero.
Jennylyn inabsuwelto si Dennis
Ipinagtanggol ni Jennylyn Mercado ang dating boyfriend na si Dennis Trillo na idinadawit sa breakup nila ni Luis Manzano. Never daw siyang na-link kahit kanino pag may karelasyon siya. Naka-move on na si Jen at excited na siyang magsimula ng bagong soap sa GMA, ang Rhodora X with ka-love team Mark Herras. Dual role ang gagampanan niya rito, isang mabait at isang masamang character.
Nakausap naman namin si Direk Dondon Santos at magsisimula raw siyang mag-shooting ng movie sa Regal Entertainment, Inc. na artista niya sina Dennis Trillo at Maja Salvador. May tentative title itong Maybe This Time.