Nakita ng isang kaibigan ang Kapuso young actress sa isang pasyalan sa Makati City nung isang linggo na ka-date ang isang young actor na kapareho niya ng network. Kilala ang apelÂyido ng lalaki dahil taga-showbiz talaga sila.
Nagtataka lang ang nakakitang source sa kanila dahil ang young actress ay balitang nililigawan na ng actor-dancer sa kasalukuyan at ang young actor ay matagal nang nali-link sa isang young actress, na may sister na napakaganda, pero walang inaamin ang kahit sino sa kanila.
Kahit walang ibang nakitang kasama ang dalawa, iniisip na lang ng kaibigang source na baka friendly date lang ‘yun at hindi pa naman sila committed talaga sa isa’t isa, o sa iba.
Somali Pirates takot na takot sa mga kanta ni Britney Spears
Totoo kaya na epektibong pangbugaw o pangsipa ng mga pirata na galing Somalia ang mga lumang kanta ni Britney Spears? Lumabas kasi kamakailan sa isang foreign news na ginagamit ng British Navy ang mga kanta ni Spears at nabubugaw daw papalayo ang mga nagtatangkang umakyat sa malalaking barko sa gitna ng dagat para makapagnakaw at mangidnap pa. Ayaw na ayaw daw kasi ng Somali pirates ang boses at mga kantang Oops! I Did it Again at Baby One More Time ng American pop singer.
Siguro kung ginagawa na nila ‘yun dati pa ay baka hindi na-hijack ang barkong MV Maersk Alabama sa pelikulang Capt. Phillips na hango mismo sa tunay na nakakatakot na pangyayari sa buhay ng Amerikanong kapitan. Ang babata at ang papayat pa naman ng mga Somalian na umakyat sa kanyang barko. Kayang-kaya sanang takutin sa boses pa lang ni Britney. Ang kaso, year 2009 pa naganap ang lahat. Baka hindi pa nadidiskubre ng British Navy na posible palang secret weapon sa mga bandido si Britney Spears.
Pero sa pelikula ay ang US Navy ang mga bayaning sumagip sa buhay ng kapitan at ng kanyang buong crew. Ang US Navy SEAL ang mga machong bida ng karagatan sa ginawang script ni Billy Ray.
Hindi natin alam kung ikinatuwa ng pop star ang balita ng British Navy o hindi pero ang sigurado ay delikado at nakapangiÂngilabot pala talaga ang sinasapit ng mga seafarer sa gitna ng maÂlawak na dagat malapit sa Africa. Madadama ng manonood ang tension sa pelikula ni Tom Hanks na mahusay na naman niyang nagampanan.
Ang tapang ni Capt. Richard Phillips dahil nung 2010 ay muli siyang sumakay ng barko kahit traumatic na ang nangyari sa kanya. Paano kaya kung napuruhan siya, o ang kanyang mga kasama, ng Somali pirates at hindi nailigtas ng US Navy? Babalik pa kaya siya sa kanyang trabaho?
Sa kasamaang palad ay natanggal agad ang pelikulang Capt. Phillips sa karamihan ng mga sinehan sa Metro Manila dahil kay Thor at iilan na lang ang nagpapalabas nito. Kung mahahanap pa ninyo ang pelikula ni Tom Hanks ay huwag nang magdalawang isip panoorin dahil maraÂming matututunan sa buhay ng mga marinero. Baka mas pahalagahan na natin sila sa kanilang klase ng trabaho.
Pero kahit kailan ay mahirap intindihin at tanggapin na dahil sa kahirapan ay mapagbabalingan ang kidnap for ransom na uri ng trabaho, galing ka man ng Somalia o hindi.
***
May ipare-rebyu? E-mail: kibitzer.na.nicher@gmail.com