Charice nakalimutan na ang panlalait ni Ka Freddie kaya pinu-push sa GF na minor pa

Nakalimutan na ni Charice ang panlalait sa kan­ya ni Ka Freddie Aguilar na siya ay hindi makabayan dahil pawang mga foreign song ang kinanta niya sa The Oprah Winfrey Show at sa iba pang foreign engagements.

Kaya ngayon ay maraming bumabatikos sa relasyon ni Ka Freddie sa isang menor de edad, walang pagtutol si Charice. Ang sabi ng tiboli, kung hap­py at magiging healthy ang music icon ay okay lang sa kanya.

Tama naman si Charice na hindi natin maaaring ibigay ang kaligayahan ng ibang tao, lalo na kung tungkol sa pag-ibig.

The Beatles tuloy ang concert sa PICC!

Sa The Beatles fanatic fans, kahit alam na tigbak na ang dalawa at over the hill na ang natitirang dalawang survivors, kapag nabalitaan na may live concert ang former mopheads ay pinapanood pa rin.

Tulad ng forthcoming Beatles in Concert (bootleg) show sa PICC Plenary Hall sa Pasay City on Jan. 17 from Viva. Malaki naman ang pagkaka-print ng salitang ‘‘bootleg’’ sa title ng show kaya hindi sasabihing dinadaya nila tayo. Alam agad natin na mga pekeng John Lennon, Paul McCartney, George Harrison, at Ringo Starr ang mga impersonator ng Fab Four.

Kaya lang may guarantee na note-perfect ang kanilang rendition ng mga Beatles hit. Maniniwala tayong sila nga ang kumakanta kung ipipikit ang a­ting mga mata.

Anak ng beteranang character actress na si Lorli Villanueva kabilang sa mga pinarangalang Fil-Am sa NY

Isa sa mga awardee sa recent Ten Outstanding Filipino Americans in New York (TOFA-NY) ay ang anak ng veteran actress na si Lorli Villanueva, si Sybil Santiago, executive director and marketing head ng Soho International Film Festival at pinarangalan para sa arts and culture category.

Siyempre dumalo si Lorli sa awards night na ginanap sa Car­negie Hall, New York City. Ibinalita niya na meron siyang isang musical concert sa Philippine Center, Kalayaan Hall on Feb. 7. Based ang kanyang family sa NYC.

Joyce Jimenez at Amanda Page puwede pang mag-comeback

Nasaan na kaya ang mga dating sexy star na sina Joyce Jimenez at Amanda Page? Namayagpag sila sa maraming pelikula noong ’90s pero biglang nawala sa eksena.

Dati ay may mga underwear boutique si Joyce, na makikita ang kanyang mga giant sexy photo. Si Amanda naman nabalitang nag-asawa na at nandoon sa kanilang New York City mansion.

Dati nagrereklamo si Joyce sa sobrang laki at bigat ng kanyang boobs. Effort sa kanya ang maglakad with such a heavy load pero maraming babaeng naiinggit. Kahit may mga pamilya na sila, puwede pang mag-comeback.

Carlos Agassi halos malulon ng buo si AiAi nang makipaglaplapan!

Napanood namin ang isang lumang pelikula na may laplapan nina AiAi delas Alas at Carlos Agassi. Bihira nang lumabas sa movies si Carlos pero may mga live show pa rin. Kabubukas pa lang ng kanyang bagong restaurant na kasosyo ang kanyang mga brother na sina Michael at Aaron, na noon pa bumalik sa States.

Akala namin malululon ng buo ni Carlos si AiAi sa sobrang tindi ng kanilang kissing scene! Meron kayang young actor nga­yon na maaaring gumawa ng ipinakita ni Agassi?

 

Show comments