^

Pang Movies

Richard Yap, kabawasan sa kikitain ng mga pelikula sa Pasko

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa pa sa malaking kawalan sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) ang hindi pagkakatuloy sumali ng Be Careful With My Heart starring Richard Yap at Jodi Sta. Maria. May intriga kaming nasagap, makakasagabal daw ito sa pag-akyat ng ibang pelikula na tipong Kapamilya rin ang lasa.

Knowing the TV love team, na karaniwang mga kasambahay ang fans, tiyak na lulusubin sila sa mga sinehan. Ang Star Records nga ay hindi makapaniwala sa napakalakas na benta ng soundtrack album na ang ilang kanta ay ni-record ng sikat na aktor from Cebu City. Kahit saang mall, hugos ang mga tagahanga ni Sir Chief. Mabentang-mabenta ang songs ng Kapamilya actor!

Sa sobrang kasikatan ay halos itaob na niya ang ibang matinee idol gayong 46 years old na si Richard at may dalawang teenager na anak, sina Ashley at Dylan. Flight stewardess naman ang misis niya na si Melody. Tapos sa De La Salle University ang aktor bago nagtrabaho  kaya’t hindi rin puwedeng isnabin.

Dating TV commercial model si Richard bago nadiskubre para sa My Binondo Girl at doon na nag-umpisang pumutok ang pangalan niya sa mga tagahanga.

Dance party ng matatanda pinaghahandaan sa Sto. Domingo

 Napasyalan namin ang ipinatayong Barangay Hall in Sto. Domingo, Quezon City ni Chairman Richard Yu. Maganda at maluwag ang sosyal na hall na pinagmimitingan ng mga taga-Barangay Sto. Domingo.

Nakita namin ang wife niyang si Amanda Amores, dating aktres, na aligaga sa pag-istima sa mga bisitang senior citizen. May pasayaw daw pala siya sa mga matatanda. Siya naman kasi ay naging dancing queen na noong dekada 80. Pinaghahandaan daw niya ang munting kasayahan ng mga lolo’t lola sa saliw ng tango at chacha.

                                                                                          

AMANDA AMORES

ANG STAR RECORDS

BARANGAY HALL

BARANGAY STO

BE CAREFUL WITH MY HEART

CEBU CITY

CHAIRMAN RICHARD YU

DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with