Mikael 5 minutes lang nakasama ni Megan sa Indonesia, dinala lang ang dried mangoes na request ng GF

“Delivery boy” ang tawag ni Mikael Daez sa sarili. Wala raw siya sa coronation night ng nali-link sa kanyang si now Miss World Megan Young. Pero before the pageant, on his way for a business trip to Singapore, dumaan siya ng Indonesia para dalhin lamang ang dried mangoes na ni-request ni Megan para sa kanila ng roommate na si Miss Japan. 

Mga five minutes daw lamang siya roon, nakita at nakausap niya sandali at naibigay kay Megan ang dried mangoes na hiniling at umalis na rin siya. 

Kris hindi sinusuway ang gusto ni Direk Dondon

Napapaiyak na lamang si Kris Bernal sa patuloy na pamba-bash sa kanya sa Twitter dahil sa acting niya sa bago nilang soap ni Aljur Abrenica na Prinsesa ng Buhay Ko. Pero ginagawa raw niyang mabuti ang work niya at sinusunod lamang kung ano ang gusto ni Direk Dondon Santos, at mas na­ni­niwala siya sa fans na nagsasabing maganda at nakakikilig ang mga eksena nilang parang aso’t pusa sila ni Aljur at ang admiration sa kanya, na ikinakikilig niya, ng isa pa niyang leading man si Renz Fernandez.

Minsan talaga insensitive ang mga basher tulad na lamang noong may sunog sa basement ng GMA Network at ongoing naman ang The Voice of the Philippines Finals, may nag-tweet na dahil trending daw ang show ay nainggit kaya sinunog ng GMA ang kanilang basement para mag-trending din sila. Binalikan siya ng mga nakabasa ng tweet niya at siya tuloy ang na-bash. Sana raw ang face o ang bahay niya ang masunog, may karma raw ang ginawa niya. 

Eula ginawang motivation ang tatay na laging mainit ang ulo

Mahusay na aktres si Eula Valdez at ngayon, sa musical drama series na Kahit Nasaan Ka Man, ay madalas dramatic ang mga eksena niya, kasama ang adopted son niya sa story, si Kristoffer Martin. May pinaghuhugutan ba siya ng matin­ding emosyon? 

Sagot niya, dati ay meron dahil noon ay Laurice Guillen baby siya, sa mahusay na direktor siya nagwo-workshop, at ang advice nito sa kanya ay kausa­pin niya ang sarili niya kung sino ang nagpapalungkot sa kanya. That time raw ay hindi sila close ng kanyang ama na may sakit at lagi raw mainit ang ulo sa kanya, Kinakausap niya ang sarili niya na parang ang kausap niya ay ang kanyang ama hanggang sa mararamdaman na lamang niya umiiyak na siya.

Pero ngayon, hindi na niya kailangan. Concentration daw lamang ang kailangan at madali na niyang naibibigay ang gustong emosyon ni Direk Gil Tejada. Kaya kahit masaya siya, kapag sinabi na iiyak na siya, nagagawa niya. 

 

Show comments