Did we hear it right that Jericho Rosales has just signed a three picture contract with Viva Films?
From Angeli Pangilinan-Valenciano nga pala, head of Genesis, the talent agency which manages the showbiz career ni Jericho, Alagwa, first venture ng binata as a producer ng indie movie, was graded A by the Cinema Evaluation Board.
Nauna na itong pinuri sa ibang international filmfest.
In the local awards giving body, Jericho won the best actor trophy from the Gawad Urian. And for Bugoy Cariño, who played Jericho’s son in Alagwa, the best child actor trophy from the PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies.
Jericho will soon start taping for his series with Angel Locsin for ABS-CBN.
Jake natsu-tsupi pag kaharap si Jessy
Ayon mismo kay Jake Cuenca, ‘di pa niya pormal na nililigawan si Jessy Mendiola, with whom he is teamed up for the first time in Maria Mercedes. Ganunpaman, inaamin niyang ‘‘nagpaparamdam’’ siya sa dalaga. Iyon nga lang daw kapag kaharap na niya si Jessy, kung bakit parang natu-torpe raw siya.
Which is quite unusual, considering that Jake has had the chance maging girlfriends sina Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, at Lovi Poe.
Obvious na ligawin itong si Jessy. Bukod kasi kay Jake, ang alam pa namin may matinding crush sa kanya ay si Sam Milby.
Tulad ng alam natin, na-link at, one time, si Jessy kay JM de Guzman, na ngayon ay malapit na raw gumaling sa kanyang ‘‘pagkakasakit.’’
Nabanggit din na naging ‘‘sila’’ ni Matteo Guidicelli habang ginagawa nila ang kanilang series together, Paraiso.
Both denied, though, that a special something ay namagitan sa kanila.
Like Jessy, loveless pa rin si Matteo, after his much-publicized break-up with Maja Salvador.
Marian nagbawas sa ipon para sa Kung Fu!
Overwhelmed both sina AiAi delas Alas at Marian Rivera sa rating na ibinigay mismo ng MTRCB (Movie, Television Review and Classification Board) sa Kung Fu Divas, first movie nila together. ‘‘Wowâ€, they both proudly announced.
AiAi and Marian ay producers din ng Kung Fu Divas, as they invested money in it. AiAi, her entire talent fee, she said.
In Marian’s case, kinailangan daw niyang dagdagan from her savings ang kanyang sosyo sa pelikula, para ma-equal niya ang amount, kumbaga, na ‘‘isinugal’’ ni AiAi sa production. Hindi ikinahihiyang aminin ni Marian na ‘di hamak na mas malaki ang talent fee ni AiAi kesa kanya.
‘‘But one thing that impresses me about her (referring to AiAi), ‘di siya maÂdamot.
‘‘Siya ang nag-encourage sa akin na mag-invest sa Kung Fu Divas, dahil feeling daw niya magiging blockbuster hit ito,’’ ani Marian.
Kung Fu is a production ng Star Cinema and Reality Entertainment.
Directed by Onat Diaz, at also stars Edward Mendez, Nova Villa, at Roderick Paulate.
Roderick ayaw patawag ng councilor
An elected Councilor of the second district of Quezon City, bawal kay Dick (pet name ni Roderick) na tinatawag siyang Konsehal ng kanyang mga kasamahan sa showbiz. ‘‘Tito Dick, o, Kuya Dick, okay na sa akin,’’ aniya.
Kung Fu Divas is his first movie mula nang mahalal siyang konsehal. As he said, may mga offers din sa kanya to do TV and pelikula, but after the election, he decided to prioritize muna his responsibility as a councilor.
Malaking dagdag daw sa kanyang income, ayon kay Dick, ang kinikita niya sa pelikula. Lalo’t kung full-length ang kanyang role, tulad nga raw ng ginaÂgampanan niya sa Kung Fu Divas.
Ganunpaman, between showbiz and his duty bilang Konsehal, natural na ang priority niya ay ang huli.