Kahit anong okasyon dumalo ang dalawang magkaribal na starlets, ayaw nilang magpatalbog sa isa’t isa. Sa isang dressy affair, siyempre, pagandahan sila ng suot na gown.
Nang malaman ng isa na umarkila ng isang suite sa five-star hotel ang kanyang kaaway, para matuluyan ng kanyang grupo at mga kakampi, nagpa-reserve agad ang pangalawang aktres ng mamahaling lugar sa isang expensive venue upang doon naman sila tumuloy ng kanyang friends.
Kung nagkaroon ng award ang isa sa dinaluhan nilang event, binigyan din ng award ang kaaway upang mapigilan ang sabunutan sa disenteng lugar!
Nora gagawin na namang luka-luka
Mula kay William Reyes, PRO ni Nora Aunor, ang balitang ito. Noong Wednesday evening, nakipag-meeting na ang Superstar sa showbiz couple na sina Jun Lana at Perci Intalan para sa bagong pelikulang Dementia.
Alam natin na matagal nang magka-live-in ang nasabing pareha at magpapakasal sa Amerika. Sa Dementia, si Lana ang sumulat ng script. Ito naman ang movie directorial debut ni Intalan.
Of course, hindi tungkol sa love story nila ang Dementia. Kung sino ang sira ang ulo sa istorya, hindi pa natin alam. Sana gumanap namang isang psychiatrist si Ate Guy at hindi papel ng isang luka-luka. Puwede rin namang i-portray niya ang dalawang roles.
Samantala, sa kuwento mismo ni Direktor Mes de Guzman, ang original script ng Ang Kuwento ni Mabuti ay sinulat sa wikang Pilipino. After reading it, si La Aunor mismo ang humiling na gawing Ilokano ang lahat ng dialogue.
‘‘She is so sharp,’’ say ni De Guzman kay Ate Guy. ‘‘Madali niyang nakukuha ang mga Ilokano lines. Walang effort ang pakikipagbatuhan niya ng linya sa mga totoong Ilokano sa cast.’’
Dahil nasiyahan ang Superstar sa resulta ng Ang Kuwento ni Mabuti, magkakaroon sila ng second collaboration ng internationally acclaimed director.
‘AiAi may bagong niliLigawan’
Good news: AiAi delas Alas may bagong manliligaw. Buti naman umepekto ang exotic beauty ng komedyana.
Nakakalungkot uli kung ang mababalitaan natin ay ‘‘AiAi merong bagong nililigawan!â€
At sana walang isa pang Jed Salang.
Jao at Willie ginampanan ang mga namatay na pulitiko
Si Jao Mapa ang gumanap na Sen. Benigno Aquino, Jr. sa The Guerilla is a Poet, isa sa walong lahok sa Cine Filipino filmfest. Ang nag-papel na Ferdinand Marcos naman ay si Willie NepoÂmuceno. Isang straight serious role for the impersonator!
Kabilang si Jao sa mga artista sa pelikula na visual artist din. Ang kanyang koleksiyon ng mga painting ay may exhibit, kasama ang mga obra ng dalawa niyang painter-friends.
Hollywood actor Dane DeHaan gustong balikan ang Bohol
Nagdala ng magandang suwerte ang paggawa ng pelikulang Amigo ni Dane DeHaan sa ating bansa. Nag-enjoy siya ng husto sa Bohol kung saan nag-shoot ang kanyang debut movie role.
After that, nakasama siya ni Daniel Radcliffe sa Kill Your Darlings, nakuha ang Harry Osborn role sa The Amazing Spider Man 2, at siya ang gaganap na James Dean sa forthcoming movie na Life.
Gustong bumalik ni Dane sa Bohol upang mag-shooting ulit doon at kumain ng maraming sariwang isda.