Napahiya ang mga nagmalisya at nagpalutang ng tsismis na lilipad sa ibang bansa si Sen. Jinggoy Estrada para takasan ang plunder case na isinampa laban sa kanya.
Wala sa bokabularyo ni Papa JingÂgoy ang tumakas o magtago. Gaya nang kanyang sinabi sa presscon na ipinatawag noong Lunes, haharapin niya ang problema at hindi siya aalis ng bansa.
Kaya sa mga nagkakalat ng balita, i-confirm muna ninyo ang mga tsismis na nasasagap para hindi kayo napapahiya.
Sa next Wednesday naman ang 47th birthday ni Sen. Bong Revilla, Jr. Peace of mind ang isa sa mga birthday wish ko kay Bong na dumaraan ngayon sa mga pagsubok.
Hindi ako nag-e-expect na magkakaroon si Bong ng birthday celebration sa Sept. 25. Tama na ’yung kasama niya ang buong pamilya sa kanyang kaarawan.
Tulad ni Papa Jinggoy, haharapin ni Bong ang mga akusasyon laban sa kanya.
Rep. Lani panay ang pagluha
Masyadong madrama sa linggong ito ang Mga Basang Sisiw dahil puro iyakan ang mga eksena.
Walang katapusan na pagluha ang mga eksena ni Olivia, ang role ni Congressman Lani Mercado sa Mga Basang Sisiw.
Nagkunwari si Olivia na papayag na siya na magpakasal kay Efren (Gardo Verzosa) para tigilan na nito ang pagmamalupit sa kanyang anak na si Justin.
Nakagawa ng paraan si Olivia na makatakas, kasama si Justin pero isang van ang biglang lumitaw.
Katrina hiyang sa pagiging ina
Ngayon ang 1st birthday ng anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence pero sa Biyernes pa ang party ng bagets.
Starring si Katrina sa Magkano Ba ang Pag-ibig?, ang bagong afternoon teleserye ng GMA 7 at ang anak niya ang naging topic sa presscon kahapon.
Hiyang si Katrina sa pagiging ina dahil blooming ang beauty niya. Bakas na bakas sa kanyang face ang happiness na epekto ng motherhood.
Si Heart Evangelista ang lead actress ng Magkano Ba ang Pag-ibig? Maaga ang presscon kahapon as in 4:30 p.m. dahil may appointment pa si Heart.
Si Sid Lucero ang leading man ni Heart sa Magkano Ba ang Pag-Ibig? Huling napanood si Sid sa Love & Lies na last project naman ni Richard Gutierrez sa Kapuso Network.