Dating pinagnanasaang aktor, nagpasasa sa mga kliyenteng bakla!
Once he was the most desirable actor in town pero hanggang ngayon ay meron pa rin naman siyang mga parokyano. Kaya lang ayaw pa rin niyang tumanggap ng mga matrona. Gusto niya ang mga baklesh na, ayon sa macho, ay laging mababango.
‘‘Hanggang ngayon wala pa akong nakasiÂping na bading na amoy lupa na,’’ pagmamalaki ng SM (service man). ‘‘Kaya ang aking mga suki puro beki.’’
Bulong naman ng isang regular client niya, ‘‘Paano sarap na sarap siya sa M2M.’’
Tama ang hinala ninyo. Paminta o pamintuan din ang aktor!
Kapag naiabot na ang TF for a good lay, takbo agad sa casino ang macho.
Young filmmakers sa Cine Filipino inaasahang susunod sa yapak ng mga sikat na direktor
Bakas sa mga mukha ng mga young filmmaker, na may gawa ng 10 short films sa Cine Filipino ng PLDT, Studio 5, at Unitel, ang kaligayahan sa pagkakasali ng kanilang mga obra sa special feature ng indie filmfest na sisimulan sa Sept. 18.
Sa rami kasi ng mga lumahok, nagkapalad silang mapili. Tiyak na sina John Cajes (Alkansya), Khalil Joseph Banares (Last Call), Paulo Madrang (Kathang Isip), Kimberly Organza (Onang), Tiffanie Ang (Princesa Urduja), Jose Guballa at Bienvinido Ferrer III (Sangandaan) and sina Kristine Barrameda & Joanna Ubaldo (World Ipis) ay tatanghaling mga bagong Lino Brocka, Ishmael Bernal, Manuel Conde, Lamberto Avellana, Celso Ad Castillo, at Marilou Diaz Abaya in the future.
Ang maximum running time ng kanilang short films ay 30 minutes kaya mahirap ipasok ang lahat ng magagandang sangkap sa pelikula. Magiging added attraction ang 10 entries sa mga feature film ng Cine Filipino. After the filmfest, maaari pang gumawa ng short film festival sa TV5.
AiAi nakapasok sa beauty contest
Meron palang beauty contest na puwedeng sumali kung ang fez ay tulad ng kay AiAi delas Alas kahit ang kalaban ay sing-ganda ni MaÂrian Rivera? Ito kasi ang napapanood sa trailer ng Kung Fu Divas.
Kung ang timpalak ay Mutya ng Talipapa at ang magwawagi ay ang pinakamaraming nabiling balota, puwedeng-puwede naman.
Sekretarya ng yumamang showbiz personality na aktibo sa pagdo-donate, hindI umasenso sa buhay
Mistulang pilantropo ang public image ng showbiz personality dahil lahat ng kanyang pagbibigay ng pera o donasyon, sinusundan ng TV camera. Minsan nakita namin ang kanyang sekretarya na matagal ng loyal at matapat na naglilingkod sa kanya. Kahit noong purita pa ang artista.
Nagulat din kasi kami dahil lumang damit pa ang suot niya at tila hindi umasenso ang buhay.
Biro namin, ‘‘Mayaman ka na dahil super rich na ang boss mo.’’ Inaasahan kasi na meron na siyang sariling bahay at lupa.
‘‘Ganoon pa rin ako, tulad ng dati,’’ malungkot na pagtatapat niya sa amin.
Andi wala sa tipo si Billy
Matapos ang mga maling paratang na si Billy Crawford ay gay o drug addict, dahil nag-break sila ni Nikki Gil, na-link naman siya sa tatlong chicks.
Ang latest na tsini-tsikang karelasyon niya ay si Andi Eigenmann. Very easy to understand na dahil may pelikulang pinagsamahan ang dalawa. Puwedeng gamiting anggulo sa promo.
Sa tingin naman ng mga showbiz insider, hindi si Billy ang tipo ng lalaki ni Andi. Isa-isahin lang ang mga guy in the past ng aktres, hindi talaga puwedeng isama sa listahan si Crawford.
- Latest