^

Pang Movies

Maricel pinalipas ang sawa sa trabaho

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mabuti naman at may ilalabas na pelikula si Maricel Soriano. Matagal na rin naman siyang hindi napapanood ng kanyang fans kaya sigurado na oras na ilabas nga ang Momzillas, susugod sila sa mga sinehan para mapanood ang Diamond Star.

Siyempre ang mga kalaban ni Maricel, at iyong mga naiinggit, kung maging hit man ang pelikula ay sasabihing dahil iyon kay Eugene Domingo pero alalahanin ninyo na proven din naman ang abilidad ni Maricel na bumatak ng mga tao sa takilya at naniniwala kaming hanggang ngayon ay kaya pa rin niyang gawin iyon.

Iyang si Maricel, burned out lang sa trabaho niya sa palagay namin. Isipin naman ninyo batang maliit pa lang, ni hindi pa siya teenager, artista na. At minsan sa isang artista dumarating din naman ang panahon na nagsasawa na sila sa kanilang ginagawa. Eh sa kaso naman ni Maricel, alam naman natin na kahit na paano nakaipon na siya ng pera kaya nga siguro noong medyo tamarin siya ay nagpahinga na lang muna siya kahit may mga intrigang lumabas tungkol sa kanya.

Hindi naman siya kagaya ng iba na noong tumigil sandali ay nangungutang na lang ng pambayad ng ilaw at naipagbili ang lahat ng properties. 

Isang pelikulang comedy ang Momzilla at alam naman natin ang kakayahan ni Maricel kahit na sa comedy. Hindi lang siya sa drama magaling. Mahusay siya sa comedy. Kung hindi ba naman ay tatagal ba siya ng ilang taong kasama ang Comedy King na si Dolphy sa iisang show at maraming pelikulang kanilang nagawa dahil sa show nila sa TV?

Isabel nadawit lang sa galit ni Jackie

Kinunan ng video ni Isabel Oli sina Andre at Kobe Paras dahil crush daw ang mga iyon ng nakababatang kapatid ni John Pratts na boyfriend naman niya ngayon. Under-s-tood na ang video ay para sa kapatid ni John. Inilagay iyon ni Isabel sa kanyang social networking account pero biglang may naglagay ng hindi magagandang comments, kaya ang ginawa ni Isabel ay i-blocked niya ang lahat ng mga gustong mag-share. Nakasama naman si Jackie Forster na nagalit kay Isabel at inakusahang nagsisipsip kasi sa kung sino kaya pati siya ay ayaw nang makakuha ng video ng kanyang mga anak.

Palagay namin, wala namang masamang interes si Isabel. Wala naman siyang balak na ipagdamot kay Jackie ang video ng kanyang mga anak. Iyon nga lang, inalis niya ang public sharing. At saka ano pa ba naman ang ipinagtutungayaw ni Jackie eh maliwanag namang ayaw na sa kanya ng kanyang mga anak?

Mga kaibigan ni Jeanne Napoles sa showbiz biglang nawala

Ano na ang nangyari? Nasaan na ang sinasabing showbiz friends ni Jeanne Napoles, anak ni Janet Lim-Napoles, na noong una ay ipinagmamalaki pang sila ay friends niya? Ngayon ay isa-isa na silang nagde-deny.

 

vuukle comment

COMEDY KING

DIAMOND STAR

EUGENE DOMINGO

ISABEL OLI

JACKIE FORSTER

JEANNE NAPOLES

MARICEL

NAMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with