^

Pang Movies

Kuya Kim magpapaka-weirdo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sasabak si Kim Atienza sa isang naiibang adventure sa kanyang pagtuklas sa mga weirdong kaganapan, tao, at maging mga hayop ngayong Linggo (Sept. 1) sa Matanglawin.

Bubusisiin ng nag-iisang Trivia King ng bansa ang naiibang lagay ng panahon tulad ng 72-mudfish rain sa Agusan del Sur patin na rin ang orange na niyebe sa Siberia at tina­guriang blood-red river sa Yangtze.

Hindi pa nagtatapos diyan ang mga pasabog dahil makikilala ni Kuya Kim ang Straw King ng bansa na susubuking talunin ang Guinness World Record sa pamamagitan ng paglalagay ng 410 drinking straw sa kanyang bibig. Magpapakitang gilas din si Nene Ederly na kaya namang humatak ng multicab gamit ang kanyang bibig at humatak din ng van gamit ang kanyang buhok.

 Samantala, naiibang trip naman ang hatid nina JB Carrasco at Kim Bantigue na ipinahahayag ang kanilang personalidad sa pamamagitan ng mga tattoo at hikaw sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Hindi naman magpapahuli ang mga hayop dahil ipapakilala ni Kuya Kim ang isang ibon na may dibdib na sinlaki ng basketball at kabayong hindi lang iisang kulay ang balat kung hindi stripes.

Lahat ng iyan ay matutunghayan ngayong Lingo (Sept. 1) sa Matanglawin, 9:45 a.m., sa ABS-CBN.

vuukle comment

AGUSAN

GUINNESS WORLD RECORD

KIM ATIENZA

KIM BANTIGUE

KUYA KIM

MATANGLAWIN

NENE EDERLY

STRAW KING

TRIVIA KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with