Pinagdaraanan ni Claudine ipinagdarasal ni Piolo

MANILA, Philippines - Isa sa itinuturing na malapit na kaibigan ni Piolo Pascual si Claudine Barretto na nakatrabaho niya noon sa pelikulang Milan kaya isa siya sa mga hinihingan ng komento hinggil sa pinagdaraanang marital problem ngayon ng aktres. Sa kasalukuyan din ay mayroong legal battle ito laban sa estranged husband niyang si Raymart Santiago.

“Clau will always be one of the closest friends in showbiz na talagang tumulong sa akin,” sagot agad ni Piolo.

May communication pa ba sila ngayon?

“Wala pa lately. Nakikita ko lang siya sa news pero hindi ko siya nakakausap,” sagot niya.

Pero bilang kaibigan, ano nga ba ang nararamdaman niya sa pinagdaraanan nito ngayon?

“Prayers lang. Lahat naman ‘yan nadadaan sa dasal and I don’t think I’m in a position to comment about it,” sagot ni Piolo.

Posible bang magsama silang muli sa isang pelikula ni Claudine?

“Si Tita Malou (Santos, managing director) ang makakasagot nun.

“Of course, Clau (Claudine) is a good friend of mine and, hopefully, one of these days magtugma ang schedule namin at, yeah, magawa namin. I’m very excited for it,” sambit pa ng aktor.

Samantala, tungkol naman sa naging expe­rience niya sa Cannes, France nang magkaroon ng world premiere ang OTJ (On the Job) sa prestigious 66th Cannes International Film Festival doon noong May. Part ang film ng Director’s Fortnight selection. 

“It was a very heartwarming experience because everyone didn’t leave the theater after the credits. They all stayed on and it really validated the film. From the response of the audience, ang sarap lang ng pakiramdam na alam mong tatanggapin. Alam mong tinanggap abroad, sana locally, tanggapin din.

“Sabi nga ni Direk Erik, he is so proud of this film just as we are,” saad pa ni Piolo.                                                                             

 

Show comments