“Mukha ba akong bakla?†ang tanging naisagot na nakangiti ni Billy Crawford sa tanong sa kanya ng isang TV reporter kung ano ang masasabi niya sa usap-usapan na may kaugnayan sa kanyang breakup na diumano ay bading siya.
Nagkaroon ng ganitong espekulasyon tungkol sa sexual preference ni Billy dahil sa statement niyang naliligaw daw siya at hinahanap niya ang sarili nang aminin niya ang hiwalayan nila ni Nikki Gil sa The Buzz.
Sa kasalukuyan ay nakaalis na ang host ng It’s Showtime at lumipad na patungong Tate para maÂkaÂpiling ang pamilya.
Hindi pa alam ni Billy kung hanggang kailan siya mananatili sa US pero sana, sa pagbabalik niya, ay nahanap na niya ang kanyang sarili.
Jericho isang taon pinag-isipan ang proposal sa gf
Mag-aasawa na si Jericho Rosales. Nag-propose na ang aktor sa kanyang Fil-Brit girlfriend na si Kim Jones last Sunday, Aug. 4, sa kanilang church sa New Life Fellowship sa Alabang, Muntinlupa City.
Si Toni Gonzaga ang unang nag-break ng news na ito last Sunday sa The Buzz pero bago pa ang show ay nag-post na rin sina Echo and Kim sa kani-kanilang Instagram ng picture na suot na ni Kim ang engagement ring.
Sa The Buzz ay ikinuwento ni Toni ang ibang detalye sa naganap na proposal na ikinuwento naman ng kanyang future mother-in-law na ina ng boyfriend niyang si Direk Paul Soriano. Magkasama raw kasi ang mga ito sa nasabing church.
Maya-maya ay si Echo na mismo ang nagkuwento ng detalye via phone-patch interview sa kanya sa nasabing talk show.
“I went up onstage, the pastor called me. He was talking about how much God loves us. And then pag-akyat ko, I opened up with ‘Why me? Why does God love me after everything that I have done in life? He has an unconditional love for us.’ And then the next question was why me pa rin,†kuwento ni Echo pero tinanggal na niya ang letter H at pinalitan ng letter M: W-Y-M-M. Will you marry me raw ang ibig niyang sabihin.
Ayon pa sa aktor, halos isang taon din niyang pinagplanuhan ang pagpo-propose na ito.
“I just had that feeling in my heart na I have to propose sa church. It cannot be like kaming dalawa lang. I felt like I had to propose in front of people na hindi konektado sa akin. (The Church) allowed it,†dagdag pa niya.
When asked kung pinag-uusapan na nila ni Kim ang kasal, oo raw, and actually, that moment ay kasama niya ang GF at pinag-uusapan nga nila ang tungkol doon.
Ang gusto sana nila ay beach wedding pero wala pa raw specific date kung kailan.
Na-feel daw niyang si Kim na ang “the one†dahil natanggap ng girlfriend ang buo niyang pagkatao pati na ang lahat ng kanyang nakaraan.
Judy Ann nagre-reyna gabi-gabi
Three weeks na lang at matatapos na ang Huwag Ka Lang Mawawala at sa ngayon ay pumapasok na ang kuwento sa pinaka-highlight nito at ito ay ang pagbawi ni Anessa (Judy Ann Santos) sa kanyang anak.
Samantala, patuloy na nagre-reyna si Juday at No. 1 sa timeslot nito ang Huwag Ka Lang Mawawala. Last Friday ay wagi na naman ito sa ratings na 26.1% against 14.5% ng katapat na serye base sa datos ng Kantar Media.