Kababalik lamang from Hong Kong ni Maxene Magalona nang makausap namin sa set ng prime drama series na Mga Basang Sisiw ng GMA 7. Nag-join siya sa Hong Kong Super Shopper na may ginawa silang challenges ng kasama niyang si Smile, isang Pinay na matagal nang nagtatrabaho sa HK. Yearly pala ginagawa ang contest na iyon at ang contestant dapat ay may kaalaman tungkol sa Hong Kong.
First time na nagkaroon ng celebrity contestant at thankful si Maxene na siya ang ginawang representative ng GMA Network, Inc. Hindi man sila nakaabot ni Smile sa Top 3, won by Taiwan, Japan, and South Korea, nag-enjoy naman ang Kapuso actress sa shopping dahil binigyan siya ng HK$8,000 at HK$2000 allowance.
Back sa Mga Basang Sisiw, ang good news sa buong cast, kay Direk Ricky Davao at production staff, ay extended sila ng another six weeks. Say ni Maxene, as the psychotic Vicky, marami raw pasabog ang kanyang character para lamang makuha niya ang pagmamahal ni Froilan (Raymond Bagatsing).
Kita ang happiness sa face ni Maxene. Ito ba ay dahil sa bago niyang love?
“Hindi naman ako huminto magmahal. Hindi napapagod ang puso ko magmahal,†say pa ni Maxene. “Yes, I’m dating someone, non-showbiz siya, but I want to keep it to myself muna. Basta I’m happy ngayon.â€
Ang Mga Basang Sisiw ay napapanood daily, after ng Eat Bulaga sa GMA 7.
Lovi dumanas ng hirap sa bundok at ilog
Pinakamahirap at very challenging for Lovi Poe ang role niya sa new original series na Titser ng GMA News TV. Bakit nga hindi, kinunan ito sa maputik at malayong lugar sa Boso-Boso, in Antipolo, Rizal.
Doon nalaman ni Lovi kung gaano kahirap ang dinaranas ng isang teacher na nagtuturo sa mga remote area dahil sa ginawa niya bilang isang teacher na naglakad sila ng malayo, under the rain sa maputik na daan, umakyat ng bundok, at tumawid ng ilog para lamang makapasok sa school at maturuan ang mga estudyante nila. Kaya hats-off siya sa mga guro. Tunay na napaka-noble ng profession ng mga ito.
Mamaya, 7:15 p.m., ipapakita ng GMA News TV ang Behind the Scenes during the taping under Alfred Yapan.