Mommy ni Sarah boto na kay Matteo

Kay Matteo Guidicelli pala ipinagkatiwala ng ‘‘powers’’ ang male lead role sa upcoming ABS-CBN series na Galena, topbilled by Andi Eigenmann headed by Mark Gil.

Also in the cast are the Cruz cousins: Sunshine and Sheryl.

Both Sunshine at Sheryl have something in common. Pareho silang hiwalay na sa asawa: Si Sunshine sa actor-husband niyang si Cesar Montano at si Sheryl, sa US-based niyang asawa na si Norman Bustos.

By the way, first time ng mag-pinsan na magkatrabaho sa isang showbiz project.

Matteo at Andi, on the other hand, have worked together na in an earlier series also produced by ABS-CBN.

Going back to Matteo, napapabalitang kasalukuyang apple of the eye raw niya si Sarah Geronimo who is one year older sa kanya.

Sarah just turned 25 on July 23.

This early, marami na ang nagsasabi na kung totoo ang balitang ito, may ‘‘alas’’ na diumano si Matteo. Sobrang malapit kasi siya sa Mommy Divine ni Sarah.

Marunong talagang manligaw itong si Matteo, ’di ba, Salve A.?

Andrea bumibigay sa mga totoong sampal ni Kaye

Dahil sa kanyang series, Annaliza, considered one of the highest afternoon shows ng Kapamilya Network, baka mapilitan na si Andrea Brillante na siyang gumanap na title role na mag-try ng home schooling.

Grade V sa kasalukuyan si Andrea sa Ambassador School for Children sa Teacher’s Village sa Quezon City.

‘‘I love studying sana. But I love rin na umarte sa harap ng kamera,” sabi ni Andrea. “Ang saya-saya namin kasi magkakasama kami sa Annaliza tuwing nagte-taping kami. Kaya nga sabi ko kay Ate Kaye (Abad), okay lang sa akin na pahirapan niya ako tuwing magkaeksena kami,” sabi ng bagets.

Gumanap kasi na kontrabida si Kaye. At ang madalas maging biktima ng kalupitan nito ay siya, si Andrea.

Inamin ni Andrea na talagang nasasaktan siya, lalo’t kung ‘‘nadadala’’ ng eksena si Kaye. Kaya, minsan nga raw ay nag-breakdown ito nang mapansin niyang tunay na iyak ang pinakawalan ni Kaye.

‘‘Pero sa personal napakabait ni Ate Kaye. Para siyang nakatatandang kapa­tid ko,’’ pahayag ni Andrea.

Zanjoe Marudo plays Annaliza’s adoptive father. Supposedly, sina Denise Laurel at Patrick Garcia ang mga magulang niya.

Sa pag-instigate ni Kaye sa dating boyfriend na si Carlo Aquino, dinukot siya ng aktor at iniwanan sa isang lugar.

Doon siya ‘‘napulot’’ ni Zanjoe, who later became husband ni Kaye.

Nagsimulang pahirapan ni Kaye si Andrea nang tumungong Saudi si Zanjoe para magtrabaho.

Direk Ruel Bayani, business unit head of the project, has nothing but good words for all of his stars sa Annaliza, lalo nga kay Andrea.

‘‘I know, when I decided na siya ang gumanap na title role, she will deliver,” sabi ni Direk Ruel.

‘‘At ’di nga ako nagkamali.”

Hoy, Direk Ruel, kelan ka muling magdidirek ng pelikula?

Direk Ruel’s last directorial work, if you recall, was the Star Cinema’s Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, One More Try, last year which won for Angel Locsin (one of the lead roles in the movie, aside from Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, at Zanjoe Marudo) acting trophies from the Star Awards for Movies of the Philippine Movie Press Club (PMPC), FAMAS GMMAF (Guillermo Mendoza Memorial Awards Foundation) for Box Office King and Queen, and OMG! Yahoo! Awards.

 

Show comments