^

Pang Movies

TV5 executive problemado sa primetime shows, PBA ipapasok na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Totoo kayang namomroblema si Wilma Galvante ngayong siya na ang in charge sa entertainment department ng TV5 kung paano ang magiging programming nila ng drama series gabi-gabi? Balitang matatapos na ang mga mini-series nilang Cassandra: The Angel Warrior ni Eula Caballero, ang Undercover ni Derek Ramsay, at ang Misibis Bay ni Ritz Azul na nasa last three weeks of airing na. Pero gusto ng bagong management na ipasok ang Philippine Basketball Association (PBA) games sa primetime slot ng TV5. Three times a week ang PBA, so, paano nga kaya nila ipapasok ang mga drama series nila? Before or after the PBA games?

Direktor tinupad ang pangarap na historical love story sa Cinemalaya

Sa Saturday, July 27, ang opening ng Cinemalaya International Film Festival sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kaya nakakatuwa na marami sa mga entry ang nagbibigay na ng press conference para malaman ng mga manonood na mayroong pelikulang ipalalabas sa nine-day festival hindi tulad noong dati na kapag may sinabi kang title ng movie, ang tanong agad, “Ano ’yun? May pelikula palang gano’n.”

Isa rito ang David F na produced ng APT Entertainment for Cinemalaya and Friday Skies Films sa direksiyon ni Emmanuel “Manny” Quindo Palo. Dream pala ni Direk Manny na makagawa ng isang movie sa kanyang province, sa Pampanga. Kaya naman kahit P500,000 lamang ang budget na ibi­nibigay ng Cinemalaya Foundation sa bawat entry ay naglabas sila ng sarili nilang pera para magawa ang three stories in a historical love story drama tracing the lineage of African Americans sa Pilipinas. Si David Fagen ay isang African-American soldier na umalis sa US Army na sumama sa mga Filipino revolutionary laban sa mga bagong colonizer.

In the 1901 story, tampok sina Art Acuña, Sid Lucero, at Eula Valdez. In 1940 episode, tampok sina Shamaine Buencamino, Anita Linda, Jess Mendoza, at Mariella Castillo. Sa present time, 2013, tampok sina Mitch Valdez, Will Devaughn, at ang singer na si Dax Martin sa kanyang first lead role who plays a gay impersonator sa Olongapo City na hinahanap ang kanyang amang African-American soldier na inabandona siya. Thankful si Dax, na isang regular stand-up comedian sa Zirkoh at Klownz, sa pagtitiwala sa kanya ni Direk Manny at sa suporta ng mga kasama sa cast.

Pangatlong pelikulang ginawa ni Direk Manny ang David F at pangalawang entry niya sa Cinemalaya. Last year ang una niyang entry sa Cinemalaya na Sta. Nina ay na-nominate at nanalo ng awards sa iba’t ibang award-giving bodies here and abroad.

Sa July 27 mapapanood ang David F at 3:30 p.m. sa CCP. Mapapanood din ito sa Trinoma, Alabang Town Center, Greenbelt 3. Ang Gala Night ay sa July 30 ng 6:15 p.m.

 

AFRICAN AMERICANS

AFRICAN-AMERICAN

ALABANG TOWN CENTER

ANG GALA NIGHT

ANGEL WARRIOR

CINEMALAYA

DAVID F

DIREK MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with