Chef Boy hindi kayang iwan ang GMA

MANILA, Philippines - Bongga talaga ni Chef Boy Logro dahil sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanya. Bukod sa kanyang high-ratings na TV show na Kusina Master sa GMA 7, negosyo gaya ng culinary school at  endorsements ay isa pang karangalan ang tinanggap ng kanyang programa just recently. Kinilala ng isang international award giving body ang Kusina Master matapos itong magwagi sa 19th Annual NAMIC Vision Awards.

“Napakabait talaga ng Panginoon, God is really good. Napakalaking karangalan para sa akin at sa GMA ang kanilang ipinagkaloob. Sobra-sobrang blessings na ang natatanggap ko at malaki ang utang na loob ko sa GMA na nagtitiwala sa aking kakayahan bilang isang host sa isang cooking show gaya ng Kusina Master,” sey ni Chef Boy nang dalawin namin sa taping ng Kusina Master sa Studio 6 ng GMA.

Maraming natutuwa at nagagandahan talaga sa show na ito dahil bukod sa marami silang natututunan sa pagluluto ay naaliw din sila sa kakuwelahan ni  Chef.

“Actually, may mga few lines lang pero more on sa akin manggagaling ‘yong jokes, ‘yong mga jokes na ang kakwelahan na gagawin ko para ma-experience ng mga viewers na masarap magluto, madaling gawin, ‘yon ang kwela na aking gagawin para sa kanila.

“Kapag nakita mo, ‘uy, sa ilang minutes lang ay nagawa ni chef ng gano’n kabilis,’ at the same time alam ng mga viewers natin na mas matatakam sila lalo, ‘yong, ‘wow, ang yummy naman niyan!’ dahil ang gagawin natin more on sauce, more on maganda ang presentation, lahat ‘yan,” kuwento pa ni Chef Boy.

Nabanggit din ni Chef Boy ang pagiging loyal niya sa Kapuso network. Nang matanong kasi siya na kung sakaling may mag-offer sa kanya na lumipat sa ibang network at bigyan ng malaking budget ay willing ba siyang mag-ober da bakod. Kuwento pa nga niya ay mayroon daw talagang tumatawag sa kanya at sinasabing interested siyang kunin sa network (ayaw at hindi sinabi ni Chef kung anong channel ito).

“Hindi ko maiiwan ang GMA kasi dito na po ako nakilala. Sila ang nagbigay sa akin ng break, hindi na pinag-uusapan dito ang pera,” sey ni Chef Boy.

                                                                                  

 

Show comments